Ang Kisumu (dating kilala bilang Port Florence) ay isang daungang lungsod sa Kondado ng Kisumu sa Kenya. Ito ang pangatlong pinakamataong lungsod sa bansa, na may populasyon na 409,928 katao sang-ayon sa senso noong 2009. Ito rin ang pangunahing lungsod ng kanlurang bahagi ng bansa, at ang ikalawang pinakamahalagang lungsod sa Lake Victoria basin, pagkaraan ng Kampala, Uganda.

Kisumu

Itinatag ito noong 1901 bilang pangunahing panloob na terminal ng Uganda Railway na nangangalang "Port Florence". Bagaman tumamlay ang kalakalan noong mga dekada-1980 at 1990, umuunlad na muli ito sa mga iniluluwas na langis.

Sa literal, ang Kisumu ay nangangahulugang lugar ng palitang kalakal ("sumo"). Ang lungsod ay may estadong "friendship" sa Cheltenham, United Kingdom, at estadong "sister city" sa dalawang Amerikanong lungsod: Roanoke ng Virginia at Boulder ng Colorado.

Tingnan din

baguhin