Kitniyot
Ang Kitniyot (Hebreo: קִטְנִיּוֹת, qitniyyot) ay isang salitang Hebreo na nangangahulugang legumbre.[1] Gayunman, sa panahon ng Paskuwa, mas malawak ang kahulugan ng salitang kitniyot upang maisama ang mga butil at buto tulad ng kanin, mais, buto ng mirasol, buto ng linga, balatong, gisantes, at lentil, bukod pa sa mga legumbre.[2]
Ayon sa Ortodoksiyang Ashkenazi at ilang mga Separdikong kaugalian, hindi maaaring kainin ang kitniyot sa panahon ng Paskuwa.[3][4] Kahit na pinapayagan ngayon ang pagkonsumo ng Kitniyot sa panahon ng Paskuwa ng Reporma at Konserbatibong Hudaismong Ashkenazi, ang natatag na tradisyon sa mga ito at sa iba pang mga komunidad ay dapat umiwas sa kanilang pagkonsumo.[5] Ayon kina Torat Eretz Yisrael at Minhagei Eretz Yisrael, maaaring kumain ng kitniyot sa Paskuwa ang sinumang Hudyo sa buong mundo, anuman ang pinagmulan, at sa kabila ng kasanayan ng kanilang mga ninuno, sapagkat isang kasanayan ito na tinanggihan bilang isang hindi kinakailangang pananggol mula sa mga Halakhang awtoridad mula noong oras ng paglitaw nito.[6][7]
Mga batas at kaugalian
baguhinPinagbabawalan lamang ng Torah[8] sa mga Hudyo ang pagkakain ng chametz sa panahon ng Paskuwa . Ang chametz ay lebadura na ginawa mula sa "limang butil": trigo, nabalutan, sebada, shibbolet shu'al (barley na may dalawang hilera, ayon kay Maimonides; obena ayon kay Rashi) o senteno. May mga karagdagang rabinkong pagbabawal sa pagkakain ng mga butil na ito sa anumang anyo maliban sa matsa.
Kabilang sa Ortodoksiyang Ashkenazi at ilang Separdikong Hudyo, ang kaugalian (minhag) sa panahon ng Passover ay iwasan ang iba pang mga butil at mga legumbre bukod sa mga produkto ng limang buti. Iba-iba ang mga tradisyon ng kinabibilang sa kitniyot ayon sa komunidad ngunit sa pangkalahatan ay kinabibilangan ng mais (Amerikanong mais), pati na rin ang kanin, mga tsitaro, mga lentil, at mga bean. Isinasama rin ng marami ang iba pang mga legumbre, tulad ng mani at balatong, sa pagbabawal na ito.[kailangan ng sanggunian] Itinuturing ni Chayei Adam ang patatas bilang di-kitniyot dahil hindi sila kilala sa panahong nilikha na ang pagbabawal, isang opinyon na sinusundan ngayon ng halos lahat ng awtoridad ng Ashkenazi.[kailangan ng sanggunian]
Hindi sumusunod ayon sa kaugalian ang ilang mga Separdiko at Yemening Hudyo sa pagbabawal ng pagkakain ng kitniyot sa Paskuwa, bagaman nag-aabstinesya ang ilang mga grupo mula sa paggamit ng tuyong legumbre sa panahon ng Paskuwa.
Kahulugan ng kitniyot
baguhinDahil nagiging chametz lamang ang harina ng trigo pagkatapos durugin at haluin sa tubig, maaaring isipin ng isang tao na hindi nagbabawal ang kostumbreng kitniyot sa kitniyot na hindi kailanman nadurog o hindi kailanman nahalo sa tubig. Sa pamamagitan ng lohika na ito, maaaring kumain ng sariwang kitniyot (tulad ng buong beans), o naprosesong kitniyot na hindi kailanman nahalo sa tubig (tulad ng ilang mga kinatas na langis o tostadong solido). Sa katunayan, sinabi ni Rabbi Mordechai Eliyahu na kumain ang Ashkenazim sa Israel ng sariwang kitniyot sa Pesach hanggang sa ika-17 siglo, nang nagdala ang mga bagong imigranteng Ashkenazi (ang mga estudyante ng Vilna Gaon at Baal Shem Tov) ng kaugaling hindi kumain ng sariwang kitniyot.[9] Pinapayagan ng mga konserbatibong rabbi ang sariwang kitniyot.[10]
Kasaysayan
baguhinNagmula ang Halakhang argumento (ang argumento ayon sa batas at tradisyon ng Hudyo) laban sa pagkakain ng kitniyot sa panahon ng Paskuwa sa unang bahagi ng medyebal na Pransya at Provence at umunlad kinamamayaan sa mataas na medyebal na Ashkenazi (Rhineland) Alemanya.
Hindi malinaw ang mga orihinal na kadahilanan sa likod ng mga kaugaliang hindi kumakain ng kitniyot sa panahon ng Paskwa, bagaman dalawang karaniwang mga teorya ay kadalasang ginagawa ang mga bagay na ito na maging mga produkto na kahawig ng chametz (hal. tinapay-mais), o karaniwang nakaimbak ang mga bagay na ito sa parehong mga sako ng mga limang butil at nag-aalala ang mga tao na maaaring makontaminado ang mga ito ng chametz. Posible rin na magreresulta ang pagpapaikot ng pananim sa paglalaki ng ipinagbabawal na butil ng chametz sa parehong mga bukid, at sinamahan ng kitniyot. Iminungkahi ng mga awtoridad na nababahala sa tatlong isyu na ito na mas maiiwasan ang chametz sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain ng kitniyot. Dahil medyo mahigpit ang Hudyong batas tungkol sa pagbabawal ng chametz sa bahay sa panahon ng Paskuwa, kahit na maliit na halaga, binuo ang isang tradisyon upang maiwasan ang mga produktong ito sa kabuuan.[kailangan ng sanggunian]
Nagpahayag si Vilna Gaon (Hagaos HaGra, ibid.) ng ibang pinagmulan para sa kaugaliang ito. Nagtala ang Gemara sa Pesachim (40b) na tumutol si Rava sa mga manggagawa ng Exilarch na nagluluto ng pagkain na tinatawag na chasisi sa Pesach, dahil maaari itong malito sa chametz. Nauunawaan ng Tosafot na lentil ang chasisi, at sa gayon, nagtalo si Vilna Gaon, nagtatatag ng batayan para sa alapap para sa kitniyot. Sumisipi si Rabbi David Golinkin sa Responsa ng Kilusang Masorati (Konserbatibo) kay Rabbenu Manoah (Provence, ca 1265) na nagsulat ng isang opinyon sa kanyang komentaryo kay Maimonides (Laws of Festivals and Holidays 5:1) na "Hindi dapat kumain ng kitniyot sa mga pista opisyal sapagkat nakasulat[11] na 'magagalak ka sa iyong mga pagdiriwang' at walang kasiyahan sa pagkakain ng putahe na gawa sa kitniyot". Isang pagkain ng mga nagdadalamhati ang mga lentil.
Kahit na sa lugar na ensayado ang pagbabawal sa kitniyot, sumalungat ang ilang poskim dito, kabilang rito si Rabbi Yeruham ng ika-14 siglo na Provence.[12][13] Hindi nagtaguyod ng pagpapabaya sa kaugalian ang iba, katulad ni Rav Moshe Feinstein, ngunit tinutulan niya ang pagpapalawak ng listahan ng ipinagbabawal na kitniyot.[14]
Modernong Hudaismo at kitniyot
baguhinNagpasiya rin ang mga repormistang awtoridad ng mga Hudyo, tulad ng Komite ng Kilusan ng Repormistang Hudyo para sa pangunahing organisasyon ng mga Reformistang rabbi sa Estados Unidos at Canada, sa pagpapahintulot sa kitniyot.[15][16] Noong ika-19 na siglo ang unang panahon na pormal na pinayagan ng Repormistang Hudaismo ang pagkakain ng kitniyot sa panahon ng Paskuwa.[17]
Habang pinapraktis ng karamihan sa mga Konserbatibong Hudyo ang tradisyon ng pag-iwas sa kitniyot sa panahon ng Paskuwa, nagpalabas ang Komite ng Hudyong Batas at Pamantayan, isang mapanghahawakang awtoridad sa Konserbatibong Hudaismo, ng dalawang responsa noong Disyembre 2015 na nagsasabing pinahihintulutan na ngayon na kainin ang mga dating ipinagbabawal na pagkain sa buong mundo.[18][19][20] Batay ang mga responsa sa isang responsa mula noong 1989 ng Komiteng Responsa ng Konserbatibong Kilusan ng Israel na pinahintulutan na kumain ng kitniyot ang Konserbatibong mga Hudyo sa Israel.[13] Habang naging mas karaniwan ang pagkakain ng kitniyot sa Israel, dahil sa malaking impluwensya ng mga kaugalian ng mga Separdikong Hudyo, hindi pa malinaw kung yayakapin ng mga Konserbatibong Hudyo sa ibang bahagi ng mundo ang mga bagong pasya o kung patuloy na iiwasan ang kitniyot.[21][22]
Humimok ang ilang Ortodoksiyang rabbi, tulad ni David Bar-Hayim sa 'Beth HaWaad' beth din ng Machon Shilo at Konserbatibong Rabbi David Golinkin ng Suriang Schechter ng Araling Hudaismo, na habang naaangkop ang pagbabawal ng kitniyot sa Silangang Europa kung saan nagsimula ang tradisyong Askenazi, hindi dapat ipraktis ito sa Estados Unidos o Israel.[12][13][23][24][25] Ayon sa The Forward, pumipili ang mga ibang Israeli ng mas mapagpahintulot na rabinikong interpretasyon ng kitniyot, na pumapayag sa pagkonsumo ng mas malawak na saklaw ng mga dating ipinagbawal na bagay,[26][27][28] at hiniram ng ilang mga Hudyong Ashkenazi sa Israel na kasal sa mga Hudyong Separdiko ang tradisyong Separdiko. Gayunpaman, pinanatili pa rin ng Unyon ng Mga Kongregasyon ng Ortodoksiyang Hudyo ng Amerika at iba pang mga Ortodoksiyang organisasyon na dapat sundin ang pagbabawal ng lahat ng Hudyong Ashenazic sa buong mundo.[29] Nagpapanatili ang Ortodoksiyang Unyon ng isang kitniyot hechsher na inilaan para sa mga di-Hudyong Ashkenazic na kumakain ng kitniyot sa Paskuwa.[30]
Noong dekada ng 1930, inupahan ng Maxwell House coffee ang kumpanyang pamadya ni Joseph Jacobs upang magtaguyod sa isang demograpikong Hudyo.[31] Nag-upa ang ahensya ng isang rabbi upang magsaliksik ng kape, na nagreresulta sa isang pagpapasiya na mas katulad ang buto ng kape sa isang berry kaysa sa isang ratiles, kaya kashrut ito para sa Paskuwa.[32]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ (sa wikang Hebreo). Morfix http://www.morfix.co.il/%D7%A7%D6%B4%D7%98%D6%B0%D7%A0%D6%B4%D7%99%D6%BC%D7%95%D6%B9%D7%AA. Nakuha noong Marso 31, 2013.
{{cite web}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ . Orthodox Union https://oukosher.org/passover/guidelines/food-items/kitniyot-list/. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite web}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is Kitniyot?". kashrut.com. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "מנהג איסור קטניות". Nakuha noong 10 Abril 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A plea for 'kitniyot'". jpost.com. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pesach Kitniyot Rebels Roil Rabbis As Some Ashkenazim Follow New, Permissive Ruling". Nakuha noong 11 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Efrat rabbi tilts against Passover food restrictions for Ashkenazi Jews". Nakuha noong Marso 11, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Exodus 13:3
- ↑ https://www.ynetnews.com/articles/0,7340,L-3382886,00.html
- ↑ "Isang Teshuvah Hinahayaan Ashkenazim sa Kumain Kitniyot sa Pesah", Amy Levin at Avram Israel Reisner, pinagmulan
- ↑ (in Deuteronomy 16:14
- ↑ 12.0 12.1 Golinkin, "Ang Kitniyot Dilemma, Kolot Vol 6, No. 3, pahina 10, Spring 2013
- ↑ 13.0 13.1 13.2 Golinkin, David (1989). "Eating Kitniyot (Legumes) on Pesach". Schechter Institute of Jewish Studies. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Igrot Moshe, Orah Hayyim 3. 63
- ↑ Berk, Eric. "Food Restrictions on Passover Explained". Reform Judaism.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-17. Nakuha noong 2019-04-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PESACH KASHRUT AND REFORM JUDAISM". CCAR RESPONSA.
- ↑ Sanchez, Tatiana. "Passover to include new food options this year". The San Diego Union-Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-23. Nakuha noong 2019-04-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schoenfien, Lisa (Abril 14, 2016). "Conservative Movement Overturns 800-Year-Old Passover Ban on Rice and Legumes". The Forward.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Golinkin, David (24 Disyembre 2015). "Rice, beans and kitniyot on Pesah – are they really forbidden?" (PDF). Committee on Jewish Law and Standards.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Levin, Amy (Nobyembre 2015). "A Teshuvah Permitting Ashkenazim to Eat Kitniyot on Pesah" (PDF). Committee on Jewish Law and Standards.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Green, Ann (Abril 16, 2016). "To Kitniyot or Not to Kitniyot, Passover's New Question". Jewish Boston.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Holzel, David (Abril 12, 2016). "Rabbis Expand the Passover Menu-- But Will Conservative Jews Bite?". Jewish Telegraphic Agency (JTA).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ . Ynetnews http://www.ynetnews.com/articles/0,7340,L-3869641,00.html. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite news}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (Nilabas sa mamamahayag). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-03. Nakuha noong 2019-04-17.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF) (sa wikang Hebreo). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-09-28. Nakuha noong 2019-04-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://forward.com/articles/104483/. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite web}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ . The Forward Association, Inc. http://forward.com/articles/104483/pesach-kitniyot-rebels-roil-rabbis-as-some-ashkena/?. Nakuha noong 11 Marso 2015.
{{cite news}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ . Haaretz Daily Newspaper Ltd. http://www.haaretz.com/weekend/anglo-file/efrat-rabbi-tilts-against-passover-food-restrictions-for-ashkenazi-jews-1.356076. Nakuha noong 11 Marso 2015.
{{cite news}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ . Orthodox Union https://www.ou.org/jewish_action/03/2015/curious_about_kitniyot/. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite web}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (Nilabas sa mamamahayag). Orthodox Union https://oukosher.org/blog/consumer-news/in-time-for-passover-2013-ou-kosher-announces-new-ou-kitniyot-certification-symbol/. Nakuha noong 24 Abril 2016.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Berger, Joseph (Abril 8, 2011). "Giving a Haggadah a Makeover". The New York Times. Nakuha noong Marso 23, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Italie, Leanne (Marso 22, 2011). "New Maxwell House Haggadah out for Passover". Washington Post. Nakuha noong Abril 12, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)