Si Ellen Muriel Deason, mas nakikilala bilang Kitty Wells (30 Agosto 1919 – 16 Hulyo 2012), ay isang mang-aawit ng musikang country mula sa Nashville, Estados Unidos, na nagkaroon ng bansag na The Queen of Country Music (Ang Reyna ng Musikang Pangnayon) dahil sa kaniyang mga nagawa sa larangan ng musika. Marami siyang naging mga single na pangcountry na naging #1. Ang kaniyang patok na tugtuging nirekord noong 1952, na pinamagatang "It Wasn't God Who Made Honky Tonk Angels" ay nagawa sa kaniya upang maging unang mangangantang babae ng musikang pangnayon na nanguna sa talahanayan ng musikang pangcountry sa Estados Unidos, kung kaya't siya ay naging isang bituing babae na pangcountry. Nanatili ang pagiging nasa Top 10 ng kaniyang mga patok na tugtugin magpahanggang sa kalagitnaan ng dekada ng 1960, na nakapagbigay ng inspirasyon sa maraming iba pang mga babaeng umaawit ng musikang pangnayon at naging tanyag din noong dekada ng 1960.

Kitty Wells
Kapanganakan30 Agosto 1919
  • (Davidson County, Tennessee, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan16 Hulyo 2012
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomang-aawit-manunulat, musiko, mang-aawit

Nakahanay sa Wells bilang ika-6 na pinaka matagumpay na babaeng bokalista sa kasaysayan ng talahanayan ng musikang pangnayon ng Billboard ayon sa aklat na isinulat ng manunulat ng kasaysayan na si Joel Whitburn at pinamagatang The Top 40 Country Hits. Sinundan ni Wells sa talahanayang ito sina Dolly Parton, Loretta Lynn, Reba McEntire, Tammy Wynette, at Tanya Tucker. Noong 1976, nailuklok si Wells sa Country Music Hall of Fame. Noong 1991, si Wells ay naging pangatlong artista na pangmusikang country, pagkaraan nina Roy Acuff at Hank Williams, at naging pangwalong babae na nakatanggap ng Grammy Lifetime Achievement Award.

Namatay si Wells dahil sa kumplikasyon ng "atake" sa utak o stroke (dagliang pagkamatay ng mga selula ng utak sa isang lokal na pook dahil sa hindi sapat na pagdaloy ng dugo).


TalambuhayMusikaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.