Itinatag ang Klipfolio Inc., isang samahan para sa paggawa ng mga programang pang-kompyuter, noong 2001. Matatagpuan ang pangunahing tanggapan nito sa Ottawa, Ontario. Sa una, nakatuon ang kumpanya sa mga produktong pang karaniwan na konsumer, subalit nagbago ng direksyon nito tungo sa paglikha ng mga sistemang nagpapakita ng datos at impormasyon ng mga negosyo sa kalaunan. Noong ika-25 ng Pebrero, 2015, inihayag ng samahan ang isang hanay ng pamumuhunan na nagkakahalaga ng 6.2 milyong dolyar.[1] Noong 2017, nakalikom sila ng 12 milyong dolyar sa isang ikalawang seryo kaganapang pagpopondo.[2]

Klipfolio, Inc.
UriPribado
IndustriyaPangteknolohiya, Aplikasyon ng BI
Itinatag2001
Nagtatags
  • Allan Wille
  • Peter Matthews
Punong-tanggapanOttawa, Canada
Pinaglilingkuran
Buong mundo
Pangunahing tauhan
Allan Wille (Punong tagapamahala)

Peter Matthews (Punong opisyal ng karanasan) David Mennie (Punong opisyal ng estratehiyang pang-produckto)

Cathrin Schneider (Punong opisyal ng operasyon)
ProduktoPowerMetrics, Klips
Websitehttps://www.klipfolio.com

Mga produkto

baguhin

Naghahandog ang Klipfolio ng panlathalaing pandagitaan para sa paglikha ng mga subaybayan ng negosyo na nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan. Pinahihintulutan nito ang mga negosyo na umugnay sa iba't ibang pagkukunan ng datos, awtomatikong kunin ang mga ito, at pagkatapos ay baguhin at ilarawan ang mga datos.

Gumagamit ang Klipfolio ng isang balangkas na walang pormal na disenyo, na nagpadadali para sa mga gumagamit na walang teknikal na kasanayan. Bukod dito, hinahati nito ang datos upang mas mahusay na magamit at muling magamit ang mga pinagmumulan sa buong panlathala. Nagbibigay-daan ang pagbabago ng mga pormula sa mga huling gumagamit na baguhin, pagsamahin, hatiin, at salain ang anumang datos bago ito ilarawan.

Magagamit ang kompyuter software mula sa kompyuter, tablet, telebisyon, at teleponong selular.

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang korporasyon ng Klipfolio, na dating kilala bilang Serence, noong 2001 nang sina Allan Wille (punong tagapamahala) at Peter Matthews (punong opisyal ng karanasan) ang nagpasimula ng isang simpleng aplikasyon na nag-iipon ng kasalukuyang impormasyon mula sa maraming pinagkukunan sa isang magkakaugnay na anyo ng pagpapamalas. Sumama sa kanila si James Scott (punong teknikal na opisyal).

Lumabas ang unang bersyon ng Klipfolio Dashboard sa huling bahagi ng taong iyon bilang isang aplikasyon para sa mesa. Isa ito sa mga unang RSS reader [3] [4] [5] na gumagamit ng teknolohiya upang punan ang iba't ibang "Klips."

Noong 2002, binago ang aplikasyon upang isama ang JavaScript na semantikong wika ng mga kompyuter nang makalikha ang software mga ugnayan sa pagitan ng iba't ibang bahagi ng datos upang maipakita ang datos nang mas maayos at nang mabago at makalikha ang mga programer ng Klips. Lumikha sila ng patente para sa ibang prosesong pangteknolohiya na ginamit upang makagawa ng "Klips."[6]

Upang maiwasan ang mga suliranin sa paggamit ng karaniwang kowd, lumikha ang Klipfolio ng sariling sistema gamit ang XML parser, HTTP stack, at bagong CSS na tulad-arkitektura. Ginawa itong mga pagbabago upang ang laki ng pangunahing kowd and hindi hihigit sa 500 KB.

Noong 2007, inilipat ng Klipfolio ang pangunahing tuon nito sa pagsusuri ng operayong pangkumpanya.[7] Ngayon, ginagamit ang Klipfolio Dashboard upang madagdagan ang kakayahan ng mga kumpanyang pangteknolohiya na makita ang mahahalagang impormasyon sa iba't ibang pangunahing datos at aplikasyon nito.

Noong 2008, pinalitan ng korporasyon ang pangalan nito mula Serence tungo sa Klipfolio Inc. upang samantalahin ang pagkilala sa tatak ng Klipfolio Dashboard. Itinaguyod ang hakbang na ito upang mas mataas na pagtuon ng samahan sa pamilihan ng mga dashboard para sa malalaking negosyo.

Sa huling bahagi ng 2011, inilunsad ng Klipfolio ang Klipfolio Dashboard bilang isang serbisyong nakabase sa klawd (cloud). [8]

Noong Enero 2017, nakakuha ang Klipfolio ng 12 milyong dolyar sa isang ikalawang yugto ng pagpopondo na pinangunahan ng OMERS Ventures. Umabot na sa 19.4 milyong dolyar ang kabuuang pondo ng kumpanya. Sa panahong iyon, may higit 7,000 na kostumer na ang Klipfolio. Plinano nilang gamitin ang bagong pondo sa tatlong bagay: sa pagpabuti ng kanilang produkto, paggawa ng mga bagong aplikasyong pang selular, at pagdagdag ng mga bagong uri ng mga grapiko at dashboard.[9]

Talasanggunian

baguhin
  1. "Klipfolio Raises $6.2 Million Series A Round Led by OMERS Ventures". Techvibes. 25 Pebrero 2015. Nakuha noong 5 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Klipfolio raises $12 million Series B to help SMBS get smarter about metrics | BetaKit". 5 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A Scan of the Headline Scanners". Wired. Nakuha noong 5 Agosto 2018.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "A Directory of The Best RSS readers". Loosewireblog.com. 9 Agosto 2004. Nakuha noong 5 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Top RSS readers - The Download Blog - CNET Download.com". download.cnet.com. Nakuha noong 5 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. USPTO. "KLIP - Klipfolio Inc. Trademark Registration". USPTO.report (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Serence's World of Widgets. Barbara Brynko. Information Today volume 24, n11, p.26 (2). Print December 2007. ISSN 8755-6286
  8. "'We're not building a company to be acquired' - Technology - Ottawa Business Journal". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-11. Nakuha noong 2013-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Klipfolio Raises $12 Million CDN". Yahoo Finance. 2017-01-05. Nakuha noong 2023-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin