Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Koli (paglilinaw), Kole (paglilinaw), Koles (paglilinaw), Kale (paglilinaw), at Kales (paglilinaw).

Ang koli, koles, kales[1], koliplor, o kaliplawer[2] (Ingles: cauliflower, Kastila: coliflor), may pangalang pang-agham na Brassica oleracea var. botrytis, ay isa sa ilang mga gulay na nasa loob ng uring Brassica oleracea, sa pamilyang Brassicaceae. Isa itong uri ng repolyong nakakain ang puting mga ulo ng mga bulaklak. Mabuting pagkaing pangkalusugan ang koliplor, na maaaring kainin ng luto, hilaw, o binuro.

Koliplor
Isang koliplor.
EspesyeBrassica oleracea
Pangkat ng kultibarPangkat na Botrytis na kultibar.
PinagmulanHilaga-silangang Mediteraneo
Mga kasapi ng pangkat ng kultibarMarami; nasa teksto.

Nakuha ang pangalan nito mula sa Latin na caulis ("repolyo") at bulaklak,[3] na isang pagkilala sa hindi pangkaraniwang lugar nito sa piling ng mga pagkaing halamang karaniwang nagbibigay lamang ng lunting dahong madadahong nakakain. Bukod sa repolyo, kabilang pa rin sa Brassica oleracea ang kole ng brusela (usbong ng brusela), mga kaleng tinatawag na koleng lunti (Brassica oleracea convar. acephala var. sabellica), brokoli at bersa, bagaman magkakaiba ang kanilang kapangkatang kultibar.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Cauliflower, koli, koles, kales - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Cauliflower, kalipláwer". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Cauliflower Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  3. "Cauliflower: definition". dictionary.com. 2006. Nakuha noong 2008-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.