Kometang Manx
Ang Kometang Manx ay isang mabato at hindi pangunahing kometa na mayroong isang pang-matagalang ligiran. Hindi tulad ng karamihan sa mga pang-matagalang ligiran ng kometa na karaniwang mahahaba at maliliwanag ang buntot, ang kometang Manx ay walang buntot kaya tipikal na tinuturing na isang panloob na asteroyd ng Sistemang Solar.[1] Ang pangalan ay nagmula sa lahi ng mga pusang Manx na walang buntot. Ilan sa mga halimbawa ay ang C / 2013 P2 (PANSTARRS), na natuklasan noong 4 Agosto 2013[2], na mayroong mahabang panahon ng ligiran na umaabot sa higit 51 milyong taon[3], at C / 2014 S3 (PANSTARRS), na natuklasan noong Setyembre 22, 2014, na nagmula mula sa Ulap ng Oort at maaaring makatulong na ipaliwanag ang pagbuo ng Sistemang Solar .[4][5]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ https://earthsky.org/space/orbit-like-a-comet-rocky-like-an-asteroid-c2014-s3-panstarrs
- ↑ Meech, Karen (November 2014). "C/2013 P2 Pan STARRS - The Manx Comet". Aas/Division for Planetary Sciences Meeting Abstracts #46: 200.02. Bibcode:2014DPS....4620002M
- ↑ https://www.ifa.hawaii.edu/info/press-releases/oort_objects/
- ↑ Meech, Karen (29 April 2016). "Inner solar system material discovered in the Oort cloud". Science Advances. 2 (4): e1600038. Bibcode:2016SciA....2E0038M. doi:10.1126/sciadv.1600038. PMC 4928888. PMID 27386512.
- ↑ https://web.archive.org/web/20170427172150/https://astrobiology.nasa.gov/news/comet-with-stunted-tail-hints-at-how-solar-system-formed/