Komplemento (teorya ng pangkat)
Sa teorya ng pangkat, ang komplemento (mula Kastila complemento, Ingles: complement) ng pangkat na A ay ang lahat ng mga elementong wala sa A.[1] Madalas itong isinusulat sa anyong Ac o A'.[2][3]
Kung ikokonsidera na ang lahat ng mga pangkat na sangkot ay mga subpangkat ng isang pangkat na U, ang ganap na komplemento (Ingles: absolute complement) ng A ay ang lahat ng elemento sa U na wala sa A. Samantala, ang kaugnay na komplemento o relatibong komplemento (Ingles: relative complement) ng pangkat na A kumpara sa B ay ang pangkat ng mga elementong nasa pangkat na B na wala sa A. Kilala rin ito sa tawag na kaibahan ng pangkat o diperensiya ng pangkat (Ingles: set difference), at isinusulat sa anyong B \ A.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ "Complement (set) Definition (Illustrated Mathematics Dictionary)" [Kahulugan ng Komplemento (pangkat) (Nakalarawang Diksyunaryo ng Matematika)]. www.mathsisfun.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 23, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Compendium of Mathematical Symbols" [Kompedyo ng mga Simbolong Pangmatematika]. Math Vault (sa wikang Ingles). Marso 1, 2020. Nakuha noong Marso 23, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Complement and Set Difference" [Komplemento at Kaibahan ng Pangkat]. web.mnstate.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-23. Nakuha noong Marso 23, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.