Konduktor na elektrikal
Sa pisika at inhinyeryang elektrikal, ang isang konduktor ay isang materyal na naglalaman ng isang magagalaw na mga kargang elektriko. Sa mga metalikong konduktor gaya ng tanso o aluminum, ang makakagalaw na mga may kargang partikulo ang mga elektron. Ang mga positibong karga ay maaari ring makagalaw gaya ng kasyonitikong mga elektrolita ng isang baterya o ang mga makakagalaw na proton ng konduktor ng proton ng isang selulang gatong. Ang mga insulador ay mga hindi nagkokonduktang mga materyal na may ilang mga makakagalaw na karga at tanging sumusuporta sa hindi mahalagang mga kuryenteng elektriko. Sa kaswal na paggamit, ang terminong konduktor ay kadalasang tumutukoy sa isang kawad na gawa sa nagkokonduktang materyal.