Pamamaga ng mata

Impeksiyon sa mata
(Idinirekta mula sa Konhunktibitis)

Ang pamamaga ng mga mata o pamamaga ng mga mata dahil sa birus (Ingles: sore eyes, viral conjunctivitis, conjunctivitis, pink eye[1], madras eye[2]) ay ang pamamaga ng mga mata dahil sa impeksiyon dulot ng birus. Bagaman karaniwang sanhi ng birus, ang pamamaga ng mga mata ay maaari ring dahil sa bakterya, na tinatawag bilang konhuktibitis na bakteryal o pamamaga ng mga mata dahil sa bakterya (Ingles: bacterial conjunctivitis).[3] Kabilang sa iba pang mga uri ng pamamaga ng mga mata na dahil sa impeksiyon ang konhunktibitis na alerhiko, konhuktibitis na kimikal, at konhuktibitis na neonatal (konhunktibis ng bagong panganak na sanggol).

Pamamaga ng mata (konhunktibitis)
Isang matang namamaga dahil sa impeksiyon ng birus.
EspesyalidadOphthalmology Edit this on Wikidata

Mga sintomas

baguhin

Pamamaga ng mga mata dahil sa virus

baguhin

Ang sakit na pamamaga ng mga mata dahil sa impeksiyon ng birus ay kinakakakitaan ng hyperemia o pamumula ng mata na mayroong pagtutubig, pagluluha (tinatawag na epiphora), pangangati, hapdi (pruritis). Maaari ring magkaroon ang taong may ganitong pamamaga ng mata ng kasamang pamamaga ng mga kulani (mga lymph node) na nasa lugar ng mga tainga. Maaaring magsimula muna sa isang mata ang pamamaga ng mata na hahawa naman sa isa pang mata. Sa ganitong uri ng pamamaga, walang paglabo ng paningin, walang pagdirilim ng paningin, at wala ring ibang anumang pagbabago sa paningin ng may sakit. Kailangang kaagad na ikonsulta sa manggagamot na katulad ng optalmologo o espesyalista sa mata kapag nagkaroon ng nana ang mga mata, kapag lumalabo ang paningin, at kapag hindi nawala ang mga sintomas ng pamamaga ng mga mata sa loob ng mahigit sa isang linggong katagalan, sapagkat ito ay maaaring pamamaga at impeksiyon ng mga mata na sanhi na ng bakterya.[3]

Pamamaga ng mga mata dahil sa baktirya

baguhin
 
Isang mata na mayroong pamamaga dahil sa bakterya.

Bukod sa paglabo, pagdirilim, at mga pagbabago sa paningin, ang pamamaga at impeksiyon ng mga mata dahil sa bakterya ay kinasasangkutan ng pagnanana ng mga mata at pagkakaroon ng lagnat.[3]

Pagkahawa

baguhin

Ang ganitong uri pamamaga at impeksiyon ng mga mata ay nakakahawa kapag ang mga kamay ng isang tao ay nadikit sa mga mata ng isang taong mayroong impeksiyon at ginamit nilang pangkamot ng mata ang mga kamay na ito.[3]

Diyagnosis

baguhin

Ang pagtiyak na ang pasyente ay mayroong pamamaga ng mga mata dahil sa birus o dahil sa bakterya ay karaniwang ibinabatay ng manggagamot mula sa obserbasyon at pakikipag-usap sa pasyente, karaniwang batay sa paglalahad ng pasyente.[3]

Walang gamot para sa uri ng pamamaga ng mga mata na sanhi ng birus dahil sa nawawala ito ng kusa sa pagdaka. Subalit matutulungan ang pasyente na maibsan o mabawasan ang pangangati at pagkirot ng mga mata sa pamamagitan ng paglalagay ng cold compress o mga malalamig na mga pandami sa mga mata, katulad ng bimpong mamasa-masa at malamig.[3] Kailangang magpatingin sa duktor kapag nakaranas na ng mga sintomas na kinasasangkutan ng paglabo, pagdirilim, at mga pagbabago sa paningin, lalo na ang pagnanana ng mga mata at pagkakaroon ng lagnat, dahil maaaring ang pamamaga ng mga mata ay maaaring hindi na dahil sa birus, bagkus ay dahil sa bakterya.[3]

Pag-iwas

baguhin

Kabilang sa pag-iwas na maihawa ang impeksiyon sa mga mata ang hindi paghawak at hindi pagkamot ng mga mata, ang palagiang paghuhugas ng mga kamay na gumagamit ng tubig at sabon.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Richards A, Guzman-Cottrill JA (2010). "Conjunctivitis". Pediatr Rev. 31 (5): 196–208. doi:10.1542/pir.31-5-196. PMID 20435711. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Beware, `Madras eye' is here!". The Hindu. 12 Oktubre 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2008. Nakuha noong 30 Oktubre 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 December 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 SORE EYES, KALUSUGAN PH