Konstanteng kosmolohikal
Sa pisikal na kosmolohiya, ang konstanteng kosmolohika(cosmological constant) na tinutukoy ng simbolong Λ) ay iminungkahi ni Albert Einstein bilang modipikasyon sa kanyang orihinal na teoriya ng pangkalahatang relatibidad upang makamit ang isang stasyonaryong(hindi nagbabago) uniberso. Ang konseptong ito ay iniwan na ni Einstein matapos maobserhan ang mga pulangpaglipat na Hubble(na nagpapahiwatig na ang uniberso ay hindi stasyonaryo) dahil sa kanyang binatay ang kanyang teoriya sa ideya na ang uniberso ay hindi nagbabago. Gayunpaman, ang pagkakatuklas ng aklserasyong kosmiko noong 1998 ay nagpabago ng interes sa konstanteng kosmolohikal.