Koreograpiya

(Idinirekta mula sa Koreograpo)

Ang koreograpiya o koryograpiya (Ingles: choreography) ay ang sining ng pagdidisenyo ng mga sekuwensiya ng o magkakasunod na mga galaw kung saan ang mga mosyon o kilos, anyo o hugis o hubog, o lahat ng mga ito ay tinutukoy o tinitiyak. Maaari ring tumukoy ang koreograpiya sa mismong disenyo, na paminsan-minsang sinasaad o pinadarama sa pamamagitan ng notasyon ng sayaw. Ang salitang koreograpiya ay literal na may kahulugang "pagsusulat ng sayaw", na nagmula sa mga salitang Griyegong "χορεία" o "choreia" (paikot o pabilog na sayaw) at γραφή o pagsusulat. Ang taong lumilikha ng mga koreograpiya ay tinatawag na koreograpo o koreograper. Unang lumitawa ang salitang choreographer sa talahuluganang Amerikanong Ingles noong dekada ng 1950.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Iniharap ni Amanda Wilde (2006-10-26). "Frankie Manning: Lindy Hop Pioneer". Radio Intersection. 12:31 minuto sa. KUOW Puget Sound Public Radio. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2010-11-08. {{cite episode}}: Unknown parameter |city= ignored (|location= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.