Koror
Ang Koror ay ang estadong bumubuo sa pangunahing sentro ng komersiyo ng Palau. Binubuo ito ng maraming pulo kasama ang Pulo ng Koror (o Pulo ng Oreor). Nasa estado ng Koror ang 70% populasyon ng buong bansa. Nasa estado ang dating-kabisera at pinakamalaking bayan ng Palau na Koror. Ang pinakabayan ay may populasyong aabot sa 11,200.[1] Noong Oktubre 7, 2006, pinalitan ng Ngerulmud ang Koror bilang kabiserang lungsod ng Palau.
Koror | ||
---|---|---|
Tipikal na lagay ng panahon sa Koror | ||
| ||
Lokasyon sa Palau | ||
Mga koordinado: 7°20′32″N 134°28′38″E / 7.34222°N 134.47722°E | ||
Bansa | Palau | |
Kabisera | Koror | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Estado | |
Sona ng oras | UTC+9 |