Ang korporasyon ay isang kompanya o grupo ng mga taong napahintulutang gumanap bilang isang lupon at kinikilala bilang ganoon sa batas. Ang mga sinaunang lupong nakarehistro bilang isang korporasyon ay itinatag sa pamamagitan ng charter (i.e. ng isang ad hoc na gawang inaprubahan ng isang monarkiya o ipinasa ng parliyamento o lehislatura). Hindi ipinahintulot na ngayon ng karamihan sa mga hurisdiksyon ang pagbuo ng korporasyon sa pamamagitan ng rehistrasyon.

May iba’t ibang klase ng mga korporasyon ngunit sila ay madalas na inuuri ng batas ng hurisdiksyon kung saan sila ay nahati sa dalawang klase: kung sila man ay makakapag-isyu ng stock o hindi; o kung sila man ay tumatakbo para sa ganansya o hindi.

Kung saan inuuri ng lokal na batas ang korporasyon sa kanilang kakayahan makapag-isyu ng stock, ang mga korporasyon na napahintulutang gumawa nito ay tinatawag na “stock corporations”; ang pagmamayari ng korporasyon ay sa pamamagitan ng stock; at ang mga may-ari ay tinatawag na “stockholders”. Ang mga korporasyon naman na hindi napahintulutang mag-isyu ng stock ay tinatawag na “non-stock corporations”; ang mga may-ari ng korporasyon ay ang mga nakasapi sa korporasyon; at tinatawag na “kasapi” ng korporasyon.

Tingnan din

baguhin