Ang Kotava ay wikang artipisyal na nilikha ni Staren Fetcey, Kanadyana, bilang Internasyonal na Awksilyar na Lengguwahe (IAL). Mas kilala ang Kotava sa mga bansang Pranses ang salita.

Nagmula ang proyekto ni Fetcey noong 1975. Naging paunang publikado noong 1978. May mga medyor na rebisyon noong 1988 at 1993. Noong 2005 ang establisimyento ng komite para sa ebolusyon ng Kotava.

Ang Kotava ay a priori kung tawaging wikang guni-guni. Hindi ang bokabularyo o gramatika hinango sa mga natural o umiiral na wika. Neutral sa kultura ang bokabularyo at gramatika niya.

Watawat ng Kotava
ISO 639-3 avk

Halimbawa

baguhin

Ama Namin:

Kotava Tagalog
Cinaf Gadik koe kelt tigis, Ama namin, sumasalangit Ka.
Rinaf yolt zo tutumtar, Sambahin ang ngalan Mo.
Rinafa gazara artfir, Mapasaamin ang kaharian Mo.
Rinafa kuranira Sundin ang loob Mo
moe tawava lidam kelt zo askir. dito sa lupa, para nang sa langit.
Va vieleaf beg pu cin re zilil Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
va kota cinafa kantara ixel At patawarin Mo ang aming mga sala,
dum pu bagesik dere ixev. para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
Ise gu zoenuca va cin me levplekul, At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
Volse gu rote va cin tunuyal. at iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Kawingan

baguhin

Mag-aral ng Kotava