Ang krepitus, mula sa Ingles na crepitus play /ˈkrɛpɪtəs/, ay isang salita sa larangan ng panggagamot upang ilarawan ang mga tunog o mga sensasyon (pakiramdam) na pakayod, pakadkad, pagadgad, pakudkod, humihiging, lumalagitik, lumalagutok, umaalatiit, o pumuputok na nararanasan sa ilalim ng balat at mga kasukasuan.

Krepitus
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
ICD-9719.60, 756.0

Mga sanhi

baguhin

Ang tunog ay nalilikha kapag mayroong dalawang pang-ibabaw na bahagi sa katawan ng tao ang nagsagi o nagsaling. Bilang halimbawa, sa osteoartritis o rheumatoid arthritis, kung kailan ang butong-mura sa paligid ng dalawang kasukasuan ay gumuho at ang mga dulo ng kasukasuan ay kumakayod laban sa isa't isa, o kapag ang mga mukha ng mga nabaling buto ay kumikiskis sa bawat isa. Ang krepitus ay isang karaniwang tanda ng butong nabali o nalamatang buto.

Sa malalambot na mga tisyu, ang krepitus ay nalilikha kapag ang gas o hangin ay inilagay sa loob ng isang pook kung saan pangkaraniwang wala ito.

Ang kataga ay ginagamit din kapag nilalarawan ang mga tunog na nalilikha ng kalagayan ng baga katulad ng interstisyal na karamdaman ng baga - ang mga ito ay tinatawag din bilang rales. Ang krepitus ay kadalasang may sapat na lakas upang marinig ng tainga ng tao, bagaman ang isang istetoskop ay maaaring kailanganin upang matuklasan ang mga pagkakataon na dulot ng mga karamdamang respiratoryo.

Sa mga panahon ng hindi pa mahusay na pagsasagawa ng paninistis, ang mga kumplikasyon pagkaraan ng siruhiya ay kinasasangkutan ng impeksiyong anaerobiko na sanhi ng sansala (strain) ng Clostridium perfringens, na nakapagsasanhi ng kanggrena ng hangin sa mga tisyu, na nagdurulot din ng krepitus.

Ang subkutaneong krepitus (empisemang surhikal) ay isang tunog na pumuputok na nagreresulta mula sa empisemang subkutaneo, o hanging nakulong sa loob ng mga tisyung subkutaneo.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.