Kristal ng Waterford
Ang Kristal ng Waterford (Inggles: Waterford Crystal) ay pagawaan ng kristal o produktong gawa sa salamin na itinatag sa Waterford sa Irlanda noong 1783.
Kasaysayan
baguhinNagsimula ang Kristal ng Waterford noong 1783 sa lupang katabi ng Merchants' Quay sa Waterford sa Irlanda. Itinatag ito ng magkapatid na George at William Penrose na developer at pangunahing nagluluwas ng mga produkto sa lungsod. Nais nilang lumikha ng mga kalidad na kristal para magagamit na sisidlan para sa pag-inom at para sa paggawa ng mga magagandang bagay para sa tahanan. Nakilala ang kanilang kristal dahil sa malinaw at dalisay na kulay ng mga ito.[1][2]
Naging matagumpay ang industriya ng paggawa ng kristal ng mga Penrose mula 1783 hanggang 1851 noong ito ay isara.[1][3]
Noong 1947 ay kinuha ni Kael Bacik si Miroslav Havel para maging pangunahing tagapagdisenyo (Inggles: Chief Designer) sa kanyang bagong operasyon na pagawaan ng salamin sa Irlanda. Gumugol si Havel ng maraming oras sa Pambansang Museo ng Irlanda upang pag-aralan ang mga halimbawa ng kristal na ginawa ng mga Penrose noong ika-18 at ika-19 na siglo. Naging batayan ng mga disenyo ng hanay ng mga produkto ng bagong kumpanya ang tradisyunal na pagputol na pinasikat ng mga artisan ng Waterford. Nilikha ni Havel mula sa mga disenyong ito noong 1952 ang pinakamabentang disenyo o pattern ng kristal na kung tawagin ay Lismore.[1][2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Waterford History - Waterford®". www.waterford.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-09-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 Krauskopf, Sharma (2016-12-16). Waterford Crystal - Irish Brilliance (sa wikang Ingles). Sharma Krauskopf.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hearne, John M. (2017). Waterford Crystal The Creation of a Global Brand 1700 - 2009. Ireland: Irish Academic Press. ISBN 9781785371813.
{{cite book}}
: CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link)