Crustacea
Ang Subphylum Crustacea (tinatawag ang mga kasapi nito na crustacean [Ingles] o krustaseo [Espanyol: crustaseo]) ay bumubuo ng isang napakalaking pangkat ng mga artropod, na kinabibilangan ng hayop na alimango, alimasag, talangka, dakumo, katang, ulang, hipon (Caridea), kril at mga barnakulo (taliptip). Ang 67,000 nailarawan nang mga espesye ay sumasaklaw sa sukat na magmula sa katulad ng Stygotantulus stocki (0.1 mm o 0.004 pulgada), magpahanggang sa gagambang alimango ng Hapon na may haba ng binti na umaabot sa 12.5 talampakan (3.8 m) at mayroong timbang na 44 lb (20 kg). Katulad ng iba pang mga artropod, ang mga krustasyano ay mayroong isang eksoskeleton, na nalulugon (ecdysis o moulting) ng mga krustasyano upang sila ay lumaki. Maipagkakaiba ang mga krustasyano mula sa iba pang mga pangkat ng mga artropod, na katulad ng mga kulisap, mga miryapod at Chelicerata, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga "sanga" o binting dalawa ang mga bahagi (biramous sa Ingles), at sa pamamagitan ng hugis ng larba na kahawig ng sa isang nauplius.
Crustacea | |
---|---|
Abludomelita obtusata, isang amphipod | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Klado: | Pancrustacea |
Subpilo: | Crustacea Brünnich, 1772 |
mga klase & sub-klase | |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.