Crustacea

(Idinirekta mula sa Krustasyo)

Ang Subphylum Crustacea (tinatawag ang mga kasapi nito na crustacean [Ingles] o krustaseo [Espanyol: crustaseo]) ay bumubuo ng isang napakalaking pangkat ng mga artropod, na kinabibilangan ng hayop na alimango, alimasag, talangka, dakumo, katang, ulang, hipon (Caridea), kril at mga barnakulo (taliptip). Ang 67,000 nailarawan nang mga espesye ay sumasaklaw sa sukat na magmula sa katulad ng Stygotantulus stocki (0.1 mm o 0.004 pulgada), magpahanggang sa gagambang alimango ng Hapon na may haba ng binti na umaabot sa 12.5 talampakan (3.8 m) at mayroong timbang na 44 lb (20 kg). Katulad ng iba pang mga artropod, ang mga krustasyano ay mayroong isang eksoskeleton, na nalulugon (ecdysis o moulting) ng mga krustasyano upang sila ay lumaki. Maipagkakaiba ang mga krustasyano mula sa iba pang mga pangkat ng mga artropod, na katulad ng mga kulisap, mga miryapod at Chelicerata, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga "sanga" o binting dalawa ang mga bahagi (biramous sa Ingles), at sa pamamagitan ng hugis ng larba na kahawig ng sa isang nauplius.

Crustacea
Temporal na saklaw: 511–0 Ma
Cambrian to Recent
A segmented animal is seen from the side. It has a long antennae and small black eyes; one pair of legs is much more robust than the others; the body is slightly arched and each segment carries a pair of appendages. The whole animal is translucent or a pale brown colour.
Abludomelita obtusata, isang amphipod
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Klado: Pancrustacea
Subpilo: Crustacea
Brünnich, 1772
mga klase & sub-klase

Thylacocephala?
Branchiopoda

Phyllopoda
Sarsostraca

Remipedia
Cephalocarida
Maxillopoda

Thecostraca
Tantulocarida
Branchiura
Pentastomida
Mystacocarida
Copepoda

Ostracoda

Myodocopa
Podocopa

Malacostraca

Phyllocarida
Hoplocarida
Eumalacostraca


Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.