Ang kubikulo, kubikel, o kyubikel (Ingles: cubicle, cubicle desk, o office cubicle) ay isang maliit na silid o kompartamento.[1] Maaari itong isang maliit na espasyong pangtrabahong karaniwang matatagpuan sa mga tanggapan o mga opisina. Maaari rin itong isang lugar na ginagamit bilang palitan ng kasuotan, na kalimitang makikita sa mga languyan o palanguyan at mga himnasyo. Tumutukoy din ito sa isang maliit na silid-tulugan. Tinatawag din itong kubiporma dahil sa kalimitang pagiging hugis kubo o kuwadrado nito.[1]

Isang palapag sa loob ng isang gusaling pangtanggapan o opisina na puno ng mga kubikulo.
Hitsura ng loob ng isang kubikulo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Batay sa cubicle, cubiform - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.