Kudeta sa Thailand (2014)

Noong 22 Mayo, 2014, nilunsad ng Maharlikang Hukbo ng Thailand sa pamumuno ni Heneral Prayuth Chan-Ocha, Komandante ng Maharlikang Hukbo ng Taylandya (RTA) ang kudeta laban sa pamahalaang katiwala ng Taylandya, kasunod ng anim na buwan ng krisis pampolitika. Nagtatag ng militar ng junta na tinatawag na "National Council of Peace and Order" (Pambansang Konseho ng Kapayapaan at Kaayusan, NCPO) para pamunuan ang bansa.

Kudeta sa Thailand, 2014
Bahagi ng the Krisis pampolitika sa Thailand, 2013-2014
Petsa22 Mayo 2014
Lookasyon
Resulta
  • Binuwag ang Pamahalaang Katiwala
  • Binuwag ang Senado
  • Bahagyang pagbuwag sa Saligang Batas ng 2007
  • Pagtatatag ng Junta
Mga nakipagdigma
Maharlikang Hukbong Sandatahan ng Thailand Maharlikang Pamahalaan ng Thailand
Mga kumander at pinuno
Prayuth Chan-ocha Niwatthamrong Boonsongpaisan

Matapos na buwagin ang pamahalaan at ang Senado, iginawad ng NCPO ang kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo sa kanilang mga puno at pinag-utos ang sangay hukuman na mamahala ayon sa kanilang pinag-uutos. Dagdag pa nito, bahagya nitong winalang-saysay ang Saligang Batas 2007, nagdeklara ng batas militar at kurpyo sa buong bansa, pinagbawal ang pagtitipong pampolitika, pinadakip at piapiit ang mga pulitiko at mga aktibista kontra kudeta, naglagay ng pagsensura sa internet at kinontrol ang midya.

Karanasan

baguhin

Noong halalan ng 2011, nanalo si Yingluck Shinawatra at ang Pheu Thai Party (PTP) matapos makakuha ng landslide victory at bumuo ng pamahalaan kung saan naging punong ministro si Yingluck. Nagsimula ang kilos protesta kontra pamahalaan na pinamunuan ni Suthep Thaugsuban, kalihim-heneral ng Partido Demokratiko, noong Nobyembre 2013. Kinalaunan binuo ni Suthep ang People's Democratic Reform Committee (Komite ng Demokratikong Reporma ng Mamamayan) para makapagtatag ng di-halal "konseho ng mamamayan" para pangasiwaan ang isang "repormang pampolitika". Samantala nagsagawa rin ng kilus protesta ang mga grupong maka-pamahalaan, kasama na ang mga Red Shirt (Pulang Kamisa). Madalas ang karahasan na nagdulot ng kamatayan at pagkasugat.[1][2]

Binuwag ni Yingluck ang Kamara de Representantes noong Disyembre 2013 at nagtakda ng halalan sa 2 Pebrero 2014. Hindi ito natuloy dahil sa mga protesta kontra pamahalaan. Pinawalang-bisa ng Korteng Konstitusyonal ang halalan noong 21 Marso 2014.[3] Noong 7 Mayo 2014, pinatalsik ng Korteng Konstitusyonal si Yingluck at ilan sa kaniyang mga ministro sa puwesto dahil sa kontrobersyal na paglilipat ng kapangyarihan ng isang mataas na opisyal ng seguridad noong 2011.[4][5] Pinili ng mga natitirang mga ministro ang Diputadong Punong Ministro at Ministro ng Komersyo, si Niwatthamrong Boonsongpaisan, para palitan si Yingluck bilang katiwalang punong ministro.[6] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga kilos protesta.

Mga Pangyayari sa kudeta

baguhin

Pagdedeklara ng Batas Militar

baguhin
 
Ang isang patalastas sa Bangkok, naobserba noong Hunyo 3, 2014, nakaimporma na gusto o ibahagi ang aktibidad na gustong isasawalanggalang ang Monarsiya sa social media na pagpupunta sila sa kulungan.

Nakialam na ang RTA noong 20 Mayo 2014, matapos gamitin ni Heneral Prayuth ang kaniyang kapangyarihan sa ilalim ng Batas ng Batas Militar ng 1914 para magdeklara ng batas militar sa buong bansa, mula 03:00 (lokal na oras). Pinahayag niya sa pamamagitan ng telebisyon na ang deklarasyon ay dahil sa patuloy na karahasan sa magkabilang panig, at para makakilos ang hukbo sa pananatili at panunumbalik ng kapayapaan sa mas epektibong paraan.[7][8]

Sa Bangkok, nagkalat ang mga sundalo at hinarang ang mga pangunahing kalsada.[9][10] Kinuha din ng mga hukbo ang Tahanan ng Pamahalaan mula sa mga demonstrador at kinontrol ang lahat ng mga estasyon ng telebisyon sa Bangkok at sa ibang bahagi ng bansa,[11][12] bago ipasara ang ibang mga estasyon, na ilan sa kanila ay pag-aari o sumusuporta sa PDRC at sa mga Red Shirts. Pinag-utos din ni Heneral Prayuth ang mga midya na palitan ang kanilang mga regular na programa ng mga programa ng POMC kapag kinakailangan, at nagpatupad ng pagbabawal ng paglalabas ng imporamasyon na makakaapekto sa misyon ng militar.[13] Pinag-utos din niya ang mga ahensya ng pamahalaan na mag-ulat sa kaniya.[14] Naglagay din sila ng pagsesensura sa internet at pinag-utos nila sa mga tagapamahagi ng serbisyo ng internet na mag-ulat sa kanila para makontrol ang mga nilalaman sa internet.[15]

Sinabi ng katiwalang pamahalaan na hindi sila kinonsulta ukol sa mga pagpapasiya ng militar ukol sa batas militar, ngunit giniit ng hukbo na ang kilos na ito ay hindi kudeta at siyang ang pamahalaan ay mananatili sa katungkulan.[16]

Pagkabigo sa negosasyon

baguhin

Sinikap ng POMC na kausapin ang magkaalitang grupo ng dalawang araw para makahanap ng kasunduan. Ngunit ito ay nabigo noong wala silang napatunguhang pagkakasundo.[17] Ginigiit ng Komite ng Halalan na magbitiw sa tungkulin ang pamahalaang katiwala, ngunit tinanggihan ito ng pamahalaan, na nagsabi na tinakda sila ng saligang batas na manatili sa tungkulin.

Kudeta

baguhin

Noong gabi ng 22 Mayo 2014, pinahayag ni Heneral Prayuth sa pamamagitan ng telebisyon na gagampanan ng hukbong sandatahan ang pambansang pangangasiwa,[18] pormal na paglulunsad ng kudeta laban sa pamahalaang katiwala at siyang pagtatatag sa NCPO na mamuno sa bansa. Kinalauan, binuwag ng NCPO ang Saligang Batas 2007, maliban sa pangalawang kabanata na tumutukoy sa hari.[19] Pinag-utos din ang pagbuwag sa pamahalaang katiwala, ngunit pinanatili ang ibang mga ahensya tulad ng korte at senado. Ngunit dalawang araw ang lumipas, binuwag din ang Senado at ipinag-utos sa sangay hukuman na mangasiwa ayon sa kanilang pag-uutos.

Pinatawag din ng NCPO ang iba pang 114 kilalang mga personalidad sa magkaparehong panig, at pinahayag na huhulihin at uusigin ang mga hindi dadalo. Pinatawag din ang pamilyang Shinawatra, kasama si Yingluck, at iba pang mga pulitiko. Ang ilan sa kanila ay ipinapiit, kasama si Yingluck.

Inilagay din ang buong Taylandya sa kurpyo, kung saan dapat manatili sa loob ng bahay ang mga tao mula 22:00 hanggang 05:00 oras. Ipinagbawal din ang pagtitipong pampolitika at pinag-utos ang mga demonstrador na humiwalay. Pinag-utos din ang pagsasara ng lahat ng mga paaralan mula 23 hanggang 25 Mayo. Pinag-utos din ng NCPO sa mga estasyon ng radyo at telebisyon na itigil ang pagpapalabas ng kani-kanilang mga regular na programa at iere lang ang mga programa ng hukbo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Why is Thailand under military rule?". BBC. 2014-05-22. Nakuha noong 2014-05-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Death toll in Thai anti-gov't protests reaches four, dozens injured". The Voice of Russia. 2014-02-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-23. Nakuha noong 2014-05-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Constitutional Court nullifies Feb 2 election". The Nation. 2014-03-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-24. Nakuha noong 2014-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Yingluck, 9 ministers removed from office". Bangkokpost. 7 Mayo 2014. Nakuha noong 22 Mayo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "อวสาน "ยิ่งลักษณ์"พ่วง รมต. ! "ศาล รธน.ฟันสิ้นสุดความเป็นรมต.ย้าย "ถวิล" มิชอบใช้อำนาจเอื้อ "เพรียวพันธ์"" [The end of Yingluck and her fellow ministers, charter court removed them over abuse of power to transfer Thawin in favour of Priewpan] (sa wikang Thai). Manager. 2014-05-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-08. Nakuha noong 2014-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Yingluck removed, Niwatthamrong acting PM". Bangkok Post. 2014-05-07. Nakuha noong 2014-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "ผบ.ทบ. ลงนามประกาศกฎอัยการศึกทั่วประเทศ มีผลวันนี้ 03.00 น." [RTA commander declares martial law nationwide, effective from today, 03:00 hrs] (sa wikang Thai). Manager. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-20. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Thailand's army declares martial law, says not a coup". CNBC. 2014-05-19. Nakuha noong 2014-05-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "เอพีเผย ยอดเซลฟีกับสถานการ์ณประกาศกฎอัยการศึกในกรุงเทพฯ พุ่ง" (sa wikang Thai). Manager. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-21. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "เช็คเส้นทางรอบกรุงวันประกาศกฏอัยการศึก" [Lets check the roads in Bangkok on this martial law day] (sa wikang Thai). Post Today. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-21. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "ทหารพรึ่บคุมสื่อ" [Military officers occupy media headquarters] (sa wikang Thai). Post Today. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-20. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "ทหารคุมทีวีช่อง 11 เชียงใหม่" [Military controls TV 11 in Chiang Mai] (sa wikang Thai). Post Today. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-20. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "กอ.รส. ออกคำสั่งที่ 3 ห้ามสื่อข่าวกระทบการรักษาความสงบ" [POMC issues third order, banning info likely to affect peacekeeping missions] (sa wikang Thai). Post Today. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-13. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "กอ.รส. เชิญหัวหน้าส่วนราชการและผู้บริหารสื่อเข้าพบเพื่อชี้แจงสถานการณ์ที่สโมสรกองทัพบก" [Government agency chiefs to report to the PC at Army Club] (sa wikang Thai). Post Today. 2014-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-13. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "กอ.รส. ตั้งคณะทำงานคุมสื่อออนไลน์" [POMC sets up a task force to control online media] (sa wikang Thai). Manager. 2014-05-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-21. Nakuha noong 2014-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Thailand army declares martial law". BBC. 2014-05-20. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "'ประยุทธ์-เหล่าทัพ'แถลง'ควบคุมอำนาจรัฐ'" [Prayuth and military chiefs are controlling state powers] (sa wikang Thai). Komchadluek. 2014-05-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-22. Nakuha noong 2014-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Military 'takes control' in Thailand". BBC. 22 Mayo 2014. Nakuha noong 22 Mayo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "คสช. ประกาศสิ้นสุด รธน. คงอำนาจ สว" [NCPO suspends charter, maintains senate] (sa wikang Thai). Post Today. 2014-05-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-24. Nakuha noong 2014-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)