Kulasiman (portulaca)

Para sa ibang gamit, tingnan ang kulasiman (paglilinaw).

Ang kulasiman, gulasiman, gulasima[1] o ulasiman[2] ay isang uri ng yerba na ginagamit bilang pakain (Ingles: fodder o animal feeds) sa mga hayop.[2] Kilala din ito bilang portulaka[1] (baybay sa agham: Portulaca[1], Ingles: purslane o rose moss), na kabilang sa henerong Portulacaceae. Mayroong mga 40 hanggang 100 na espesye ng mga gulasiman sa mga rehiyong mainit at tropikal. Tinatawag din itong gulasima o gulasiman.[1]

Portulaca
Portulaca villosa Cham.
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Orden: Caryophyllales
Pamilya: Portulacaceae
Sari: Portulaca
L.
Species

about 40-100, see text

Isang paso ng kulasiman.

Itinuturing na mga yagit (mga masamang damo) ang karaniwang kulasiman o Portulaca oleracea bagaman nakakain naman din ito bilang gulay. Kinakain din ang mga ulasiman ng mga uod ng ilang mga kulisap na kasama sa mga tinatawag na Lepidoptera.

Mga piling uri ng mga kulasiman:

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Gaboy, Luciano L. Portulaca, kulasiman, gulasima, portulaka, maaaring kamalian sa pagtipa ang gulasima dahil kulang ng titik na n sa hulihan ang salita - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Kulasiman, gulasiman, ulasiman". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.