Kulog
Ang kulog ay isang tunog na dinulot ng isang kidlat. Depende sa layo at kaurian ng kidlat, maaring ang tunog ng kulog ay mula sa humahaginit, malakas na putok hanggang sa mahaba, mababang dagundong. Ang biglaang taas ng presyon at temperatura mula sa kidlat ay lumilikha ng mabilis na paglawak ng hangin na pumapaligid at nasa loob ng isang kidlat. At pagkatapos nito, lumilikha ng isang sonic shock wave na katulad ng isang sonic boom ang paglawak ng hangin na lumilikha ng tunog ng kulog.