Kulubot
Ang kulubot ay ang anumang kuluntoy, lukot, o lupi sa ibabaw ng balat. Tinatawag din itong palupot, yukos, yukot, gatla, guhit, kunot, at nguto sa balat.[1] Karaniwang lumilitaw ang mga kulubot ng balat bilang tanda ng mga proseso ng pagtanda na katulad ng glikasyon (minsang tinatawag ding glikosilasyon) o, sa panandalian, bilang resulta ng matagal (mahigit sa ilang mga minuto) na pagkakababad sa tubig. Sanhi ang pangungulubot ng balat ang paulit-ulit na expresyon ng mukha, pinsala ng sinag ng araw, paninigarilyo, kakulangan sa tubig, at samu't saring iba pang mga kadahilan.[2] Sa matagal na pagkakabantad sa tubig, nagsisimulang sumipsip ng tubig ang panlabas na patong ng balat. Hindi umaalsa ng pantay-pantay ang balat, kaya't nagdudurulot ng kulubot dito. Ang kabawasan ng tubig sa katawan, katulad ng nagaganap sa dehidrasyon, ay maaari ring makapagdulot ng pagkalukot ng balat.[3] Nakapagsasanhi ang Cortisol ng degradasyon (pagguho) o pag-uho ng kolahen ng balat.[4]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Wrinkle - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Anderson, Laurence. 2006. Looking Good, the Australian guide to skin care, cosmetic medicine and cosmetic surgery. AMPCo. Sydney. ISBN 0-85557-044-X.
- ↑ "The Consultant Pharmacist: August 1999 | Prevention and Management of Dehydration". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-01. Nakuha noong 2009-11-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.nslc.wustl.edu/courses/Bio328/2009/H05.doc[patay na link]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Biyolohiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.