Kung Mangarap Ka't Magising
Ang Kung Mangarap Ka't Magising ay isang pelikula tungkol sa pag-ibig na nagbibigay ng magaang damdamin na naglalarawan ng pagkatuligsa ng kabataan. Ito ay nasa direksiyon ni Mike De Leon at ipinalabas ito noong 1977. Naging kalahok ito sa Paligsahang Pampelikula ng Kalakhang Maynila 1977.
Kung Mangarap Ka't Magising | |
---|---|
Direktor | Mike De Leon |
Prinodyus | Manuel De Leon |
Sumulat | Mike De Leon Rey Santayana |
Itinatampok sina | Christopher De Leon Hilda Koronel |
Musika | Jun Latonio |
Sinematograpiya | Mike De Leon Francis Escaler |
In-edit ni | Ike Jarlego, Jr. |
Tagapamahagi | LVN Pictures |
Inilabas noong | 24 Disyembre 1977 |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Mga tauhan
baguhinAng mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Christopher De Leon | Joey |
Hilda Koronel | Anna |
Laurice Guillen | Cecile |
Moody Diaz | Gng. Laguitan |
Danny Javier | Jojo |
Boboy Garovillo | Mike |
Bibeth Orteza | Nanette |
Briccio Santos | Freddie |
Oya De Leon | Sylvia |
Archie Corteza | G. Sandico |
Erwin Kilip | Erwin |
Jayjay De los Santos | Jayjay |
Bert Miranda | Dumogan |
Don Escudero | King Kong |
Sally Santiago | Binibining Bayani |
Marietta Sta. Juana | Auring |
Buod ng pelikula
baguhinIsang binatang mag-aaral sa dalubhasaan na nagngangalang Joey (De Leon) ay may likas na taglay na pag-ibig sa musika na nais niyang maging kompositor balang araw na sinasagkaan ng kanyang mapangayang ama na may nais sa kanya na maging dalubhasa sa haynayan. Sadyang sinusubukan niyang makakuha na may pagsasalungatan, nakatagpo siya ng babae nang di-inaasahan na si Anna (Koronel), may asawa na at bugtong na anak, habang dumadalaw sa kanyang pinsan na si Cecile (Guillen), ang kaibigan ni Joey. Nag-akitan nang biglaan sa bawat isa at nagka-ibigan silang dalawa. Dahil sa walang kakayahang pagpalag sa kanilang mga damdamin, nagbuo sila ng panandaliang paraan ng ugnayan na nakatutulong sa babae na humarap sa di-pagkakaiwasan ng paghihiwalay sa kanyang nakapaninilong asawa at nakatutulong nang katumbas sa binata na ayusin ang kanyang buhay at hanapin ang kanyang sarili sa ibang liwanag.[1]
Lahat ng mga tagpo ng pelikulang ito ay ginanap sa Lungsod ng Baguio at Sagada.[2]
Mahalagang linya ng sinasabi ng tauhan
baguhinInilarawan ni Anna ang kanyang buhay habang nasa kapiling niya ang kanyang asawa na nagngangalang Freddie (Briccio Santos) sa pamamagitan ng pagsabi niya kay Joey:
Party dito, party don, yun lang ang buhay namin…
Pagsususuri ng pelikula
baguhinAng kuwento ng pelikula ay payak at maalwan, walang pangamba sa pag-iisip na mga palipit at mga pabaling, bagkus ang mga pangyayari sa pelikula ay naturalistiko, di-nakakabaliw, at matapat na pagtatanghal ng mga aktor sa pelikula gayundin ang mga hitik na awitin na sa totoo lamang ang mga ito ay pangatlong pangunahing karakter sa pelikulang ito.[2]
Mga awitin
baguhinAng mga awitin na ginamit sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Pamagat | Musika ni | Titik ni | Inawit ni(na) |
---|---|---|---|
Umaga na Naman (Tema ni Joey) | Jun Latonio | Joseph Olfindo | Christopher De Leon |
Giliw | Nonong Buencamino | Joseph Olfindo | Joseph Olfindo Marian Saenz |
Tuwing Umaga | Joseph Olfindo | Joseph Olfindo | |
Kung Mangarap Ka't Magising | Jun Latonio | Joseph Olfindo | |
Di Bale na Lang | Jun Latonio | Joseph Olfindo | |
Pusa | Jun Latonio | Joseph Olfindo |
Mga gawad
baguhinTaon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Musika Jun Latonio Pinakamahusay na Tunog Ramon Reyes Luis Reyes | ||
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor Christopher De Leon Pinakamahusay na Pangunahing Aktres Hilda Koronel Pinakamahusay na Sinematograpiya Francis Escaler Mike De Leon Pinakamahusay na Direksiyon Mike De Leon Pinakamahusay na Editing Ike Jarlego Jr. Pinakamahusay na Pelikula Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Mel Chionglo |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhinMga panlabas na kawing
baguhin- Kung mangarap ka't magising sa Datobaseng Pelikula ng Internet
- kabayancentral.com: Kung Mangarap Ka't Magising Naka-arkibo 2008-11-07 sa Wayback Machine.
- Buod ng Kung Mangarap Ka't Magising[patay na link]
- Blog: Kung Mangarap Ka't Magising
- The dreamy mood of Mike de Leon’s ‘Kung Mangarap Ka’t Magising’ Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine.