Si Kyeon Mi-ri (ipinanganak Setyembre 19, 1964) ay isang aktres at mang-aawit mula sa Timog Korea. Tanyag siya sa pagganap bilang pangunahing kontrabidang si Lady Choi sa sikat na makasaysayang Koreanovelang Jewel in the Palace (2003).

Kyeon Mi-ri
견미리
Kapanganakan (1965-01-27) 27 Enero 1965 (edad 59)
NagtaposSejong University - Pagsayaw [1]
TrabahoAktres, mang-aawit
Aktibong taon1984–kasalukuyan
AsawaIm Young-gyu (1987-93; nakadiborsyo)
Lee Hong-heon (kasal 1998)
PamilyaLee Yu-bi (anak na babae)
Lee Da-in (anak na babae)
Lee Ki-baek (anak na lalaki)
Lee Seung-gi (manugang)
Pangalang Koreano
Hangul견미리
Hanja甄美里
Binagong RomanisasyonGyeon Mi-ri
McCune–ReischauerKyŏn Miri

Karera

baguhin

Unang lumabas si Kyeon noong 1984 at simula noon, naging aktibo sa mga drama sa telebisyon, kabilang ang pagiging ang arogante at ambisyosong si Lady Choi sa Jewel in the Palace (o Dae Jang Geum) noong 2003.[2]

Noong 2009, sumabak siya sa industriya ng musika at naglabas ng kanyang unang album na pinamagatang Happy Women, na binubuo sa pangkalahatan ng awiting trot.[3]

Mga parangal

baguhin
Taon Patimpalak Kaurian Gawa
1988 MBC Drama Awards Pinakamagaling na Bagong Aktres Queen Inhyeon
1998 MBC Entertainment Awards Pinakamagaling na Bagong Artista
2005 SBS Drama Awards Pinakamahusay na Parangal, Aktres para sa Seryeng Pang-Drama Love and Sympathy
2007 SBS Drama Awards Pinakamahusay na Parangal, Aktres para sa Seryeng Pang-Drama Golden Bride
2008 42nd Tax Payer's Day Pagkilala (ibinigay ng Ministri ng Estratehiya at Pananalapi ng Timog Korea)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "견미리 탤런트, 가수". Naver Profiles (sa wikang Koreano). Nakuha noong 6 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Daejanggeum fever in China spawns events covering tourism, Korean cuisine". The Korea Times via Hancinema. 30 Setyembre 2005. Nakuha noong 3 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 견미리, 성공적인 데뷔 무대 꾸려! [Kyeon Mi-ri, Earning a Successful Debut!]. Kyunghyang Sports (sa wikang Koreano). 16 Agosto 2009. Nakuha noong 31 Disyembre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin