Kyushu Institute of Technology
Ang Kyushu Institute of Technology (九州工業大学 Kyūshū Kōgyō Daigaku) ay isa sa 87 pambansang unibersidad sa Japan. Matatagpuan sa prepektura ng Fukuoka sa pulo ng Kyushu, ito ay nakatuon sa edukasyon at pananaliksik sa larangan ng agham at teknolohiya. Ito ay madalas na dinadaglat sa KIT at minsan sa Kyutech .
Ang tagapagtatag nito ay si Matsumoto Kenjiro, pangalawang anak ni Yasukawa Keiichiro, at may kaugnayan sa Yaskawa Electric Corporation (itinatag noong 1915). Ang sentenaryo ng pagbubukas ng kampus ng Tobata ay ipinagdiriwang noong 2009, kasama ang Founder's Day noong Mayo 28, 2009.
Isa sa mga tanyag na nagtapos dito ay "Mr. Tornado", ang kilalang mananaliksik ukol sa mga bagyo na si Tetsuya "Ted" Fujita. Nagtapos siya noong 1943 at naging kawaksing propesor hanggang 1953 nang siya ay inanyayahan sa Unibersidad ng Chicago.
33°53′39″N 130°50′21″E / 33.8942°N 130.8392°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.