Länder ng Alemanya
Ang Alemanya ay isang pederasyon ng 16 na lalawigan na tinatawag na Länder (Land sa pang-isahan; pinakamalapit na bigkas /lén·der/ at /lant/ respectively). Kinakatawan ang bawat Land sa antas pederal sa Bundesrat.
Ang 16 Länder ay:
- Baden-Wurtemberg
- Baviera
- Berlin (lungsod-estado)
- Brandeburgo
- Bremen (lungsod-estado)
- Hamburg (lungsod-estado)
- Hessen
- Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania
- Niedersachsen
- Hilagang Renania-Westfalia
- Rheinland-Pfalz
- Saarland
- Sahonya
- Sachsen-Anhalt
- Schleswig-Holstein
- Thüringen
Bagaman madalas tawaging mga "estado" ang Länder dulot ng impluwensya ng Ingles Amerikano (American English), maaari itong makalito sapagkat maaari ring ibig sabihin ng estado ay isang soberanong bansa. Mga Lalawigan ang isang mas tiyak na salin ng Länder, bagaman di-nagbabagong ginagamit ng Unyong Europeo[1] at karamihan ng modernong akdang sanggunian (hal. Muret-Sanders, Collins) ang saling "estado" (state sa Inggles).
Sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-29. Nakuha noong 2005-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.