L. N. Gumilyov Eurasian National University
Ang L. N. Gumilyov Eurasian National University (ENU) (Kasaho: Л.Н. Гумилёв атындағы Еуразия ұлттық университеті (ЕҰУ), Ruso: Евразийский национальный университет имени Л.Н. Гумилёва (ЕНУ)), ay isang pambansang unibersidad sa pananaliksik at pinakamalaking institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa Nur-Sultan, Kazakhstan.
Ang unibersidad ay itinatag noong 23 Mayo 1996 bilang resulta ng pagsasanib ng Akmola Civil Engineering Institute at Akmola Pedagogical Institute. Ito ay pinangalanang L. N. Gumilyov Eurasian University bilang parangal sa ideya ng Eurasian Union at ng historyador at etnologong si Lev Gumilyov, na siyang nagtatatag ng konseptong Eurasianismo.[1] Bilang resulta ng pagsanib pa ng Academy of Diplomacy of Ministry of International Relations of Kazakhstan noong 2000, ito ay pinalitan ng pangalan bilang L. N. Gumilyov Eurasian State University at noong 2001, ang unibersidad na nakatanggap ng istatus na pambansang unibersidad at napalitan muli ng pangalan sa kasalukuyan nitong ginagamit.
Ang ENU ay nagbibigay ng instruksyon sa antas undergraduate at gradwado sa humanidades, agham panlipunan, natural na agham, enhenyeriya at agham militar.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ ENU. "History of the University". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-14. Nakuha noong 3 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
51°10′N 71°28′E / 51.16°N 71.46°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.