Laban
Si Laban ay isang tauhan sa Bibliya. Siya ang ama ni Leah at Rachel. Ayon sa Lumang Tipan, isa siyang tusong tao na nilinlang si Jacob para makapaglingkod sa kaniya sa loob ng labing-apat na mga tao. Bilang gantimpala matapos ang unang pitong taon ng pagsisilbi kay Laban, natanggap ni Jacob si Rachel bilang asawa, subalit si Leah muna ang ibinigay ni Laban kay Jacob para maging esposa. Dahil dito, nangailangan maglingkod muli nang karagdagang pito pang taon si Jacob para makuhang asawa si Rachel, ang talagang ibig makaisang dibdib ni Jacob. Nang subukin ni Laban na paglingkurin pa uli si Jacob matapos ang ikalawang pitong taon, nagkaroon ng hidwaan ang dalawang lalaki. Sa wakas ng salaysay, nagkasundo ang dalawa. Naglagay sila ng isang tumpok ng mga bato na maghihiwalay sa pag-aari nilang mga lupain.[1]
Pagtutulad
baguhinMay mga dalubhasang nagsasabi na isa itong salaysaying ibinatay sa ugnayan ng Syria at Israel.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Laban". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.