Labanan sa Malolos

Ang Labanan sa Malolos ay hinggil sa pagkakaroon ng sagupaan sa labanan ng Maynila pahilaga patungong Malolos, ang kabisera ng unang Republka ng Pilipinas. Nagpamalas ng buong kagitingan ang mga kawal na Pilipino ngunit wala rin silang nagawa sa marahas na pagsugod ng napakaraming sundalong Amerikano. Nabihag ng mga Amerikano ang Malolos sa pamumuno ni Heneral Arthur MacArthur.

Labanan sa Malolos
Bahagi ng Ang Digmaang Pilipino–Amerikano

Mga sundalong Pilipino sa Malolos
PetsaMarch 31, 1899
Lookasyon
Malolos, Bulacan, Pilipinas
Resulta Tagumpay ng Amerikano
Mga nakipagdigma
 Estados Unidos First Philippine Republic Unang Republika ng Pilipinas
Mga kumander at pinuno
Estados Unidos Arthur MacArthur Jr.
Estados Unidos Loyd Wheaton
Estados Unidos Irving Hale
Estados Unidos Frederick Funston
First Philippine Republic Antonio Luna
Lakas
10,000 to 15,000 5,000
Mga nasawi at pinsala
8 killed, 105 wounded (official report)[kailangan ng sanggunian] Unknown[kailangan ng sanggunian]

Tumakas si Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete at inilipat sa San Fernando, Pampanga ang kabisera. Sumunod ang mga Amerikano hanggang sa nabihag ding isa-isang mga bayan sa Bulacan at Pampanga hanggang nalapit sila sa San Fernando. Muling inilipat ni Aguinaldo ang pamahalaan sa Tarlac. Sinalakay rin ni MacArthur ang Tarlac at ito’y kanyang nabihag. Muling lumikas si Aguinaldo at nakarating sa Bayambang, Pangasinan. Buhat dito’y nagtuloy siya sa Kamlon, timog Ilocos patunong Lalawigang Bulubundukin.

Pagdating niya sa Lalawigang Bulubundukin, iniutos niya sa kanyang mga heneral na bumubuo ng pangkat ng gerilya sapagkat wala silang laban sa mga mahuhusay na sandata ng mga Amerikano. Nahirapan ang mga Amerikanong sugpuin ang mga ito hanggang nakaisip sila na isagawa ang paraang sona. Walang sinumang pinayagang lumabas ng sona at ang magpumilit ay kanilang ipinahuhuli o ipina babaril. Dalawang taon ding tumagal ang samahang gerilya.

Sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.