Lagusan ni Hezekias
Ang Hezekiah's Tunnel, o Siloam Tunnel (Hebreo: נִקְבַּת השילוח, Nikbat HaShiloah) ay isang lagusan na hinukay sa ilalim sa Herusalem noong sinaunang panahon. Ang pangalan nito ay dahil sa hipotesis na ito ay nagmula sa panahon ng paghahari ni Hezekias na hari ng Kaharian ng Judah noong huling ika-8 at maagang ika-7 siglo CE at inaangking binanggit sa 2 Hari 20:20 sa Bibliya.[1] Ang pagpepetsa sa panahon ng Hezekias ay sinasabing batay sa inskripsiyong nakasulat sa pader nito at sa mga radiocarbon date ng mga organikong materyang nasa orihinal na pagpaplaster.[2] Gayunpaman, ang pagpepetsa nito ay hinamon noong 2011 ng mga bagong paghuhukay sa lugar na ito na nagmumungkahing ang petsa nito ay mula huling ika-9 o maagang huling ika-8 siglo BCE.[3][4]
Pagdududa sa pagpepetsa noong panahon ni Hezekias
baguhinAng paghuhukay sa lagusan nina Ronny Reich ng University of Haifa at Eli Shukron ng Israel Antiquities Authority ay nagduda sa pagpepetsa nito sa panahon ni Hezekias.[3] Naniniwala sila na ang ebidensiya ay nagtuturo sa petsang mga ilang dekadang mas maaga noong huling bahagi ng ika-9 siglo BCE o maagang bahagi ng ika-8 siglo BCE.[3] Kanilang isinaad na ang lagusang binanggit sa Bibliya na naguugnay kay Hezekias sa pagpapatayo ng patubigan ay hindi tumutukoy ng isang lugar sa siyudad at nagmungkahi silang ito ay tumukoy sa patubigan sa lugar na Mamilla.[3] Ang binagong pagpepetsa nito ay batay sa kanilang pagsisiyasat ng mga palayukan.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Robb Andrew Young (2012). Hezekiah in History and Tradition. Koninlijke Brill. pp. 35, 48–50.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frumkin, Amos; Shimron, Aryeh (2006). "Tunnel engineering in the Iron Age: Geoarchaeology of the Siloam Tunnel, Jerusalem". Journal of Archaeological Science. 33 (2): 227–237. doi:10.1016/j.jas.2005.07.018.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Ronny Reich and Eli Shukron (2011). "The date of the Siloam Tunnel reconsidered". Tel Aviv. 38: 147–157.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Alon De Groot and Fadida Atalya (2011). "The Pottery Assemblage from the Rock-Cut Pool near the Gihon Spring". Tel Aviv. 38: 158–166.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)