Lalawigan ng Kamphaeng Phet
Ang Lalawigan ng Kamphaeng Phet (กำแพงเพชร) ay isang lalawigan (changwat) sa Thailand.
Lalawigan ng Kamphaeng Phet กำแพงเพชร | |||
---|---|---|---|
| |||
Lokasyon sa Thailand | |||
Bansa | Thailand | ||
Kabisera | Kamphaeng Phet | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Witthaya Phio-phong | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 8,607.5 km2 (3,323.4 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-22 | ||
Populasyon (2000) | |||
• Kabuuan | 674,027 | ||
• Ranggo | Ika-35 | ||
• Kapal | 78/km2 (200/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | ||
Kodigong pantawag | (+66) 55 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-62 | ||
Websayt | kamphaengphet.go.th |
Heograpiya
baguhinAng pangunahing ilog ng lalawigan ay ang Ilog ng Ping, isa sa mga nagbubuo sa Ilog ng Chao Phraya. Ang kapatagan sa tabi ng ilog ang bumubuo sa silangang bahagi ng lalawigan, samantalang ang kanluran naman ay kadalasang mabundok at magubat.
Isa sa mga pinakakilalang produkto ng lalawigan ay ang saging. Ang Pista ng Saging ay ginaganap bawat taon sa lalawigan upang pasalamatan ang mga diyos ng ani.
Kasaysayan
baguhinAng Kamphaeng Phet ay isa nang dakilang lungsod noong ika-14 na dantaon sa Kaharian ng Sukothai, na kilala noon sa lumang pangalan na Chakangrao. Naging mahalagang bahagi ito sa sistema ng depensa ng kaharian, pati na rin sa Kaharian ng Ayutthaya.
Sagisag
baguhinAng Panlalawigang Sagisag na nagpapakita ng mga bakod ng lungsod, tulad ng kahulugan ng pangalan ng lungsod na Diamanteng Bakod. Ipinapakita ng sagisag ng lalawigan ang mga bakod ng lungsod sapagkat ang kahulugan ng pangalan ng lungsod ay diamond wall. |
Pagkakahating Administratibo
baguhinANg lalawigan ay nahahati sa 9 na distrito (Amphoe) at 2 mas maliit na distrito (King Amphoe). Ang mga ito ay hinati pa sa 78 na communes (tambon) at 823 mga barangay (muban).
Amphoe | King Amphoe | |
---|---|---|