Lalawigan ng Lamphun
Lalawigan sa Thailand
Ang Lamphun (ลำพูน) ay isang lalawigan (changwat) sa Thailand. Ito ay naghahanggan sa mga lalawigan ng Chiang Mai, Lampang at Tak.
Lalawigan ng Lamphun จังหวัดลำพูน | |
---|---|
Mga koordinado: 18°34′45″N 99°00′23″E / 18.579166666667°N 99.006388888889°E | |
Bansa | Thailand |
Lokasyon | Thailand |
Kabisera | Lamphun |
Bahagi | Talaan
|
Lawak | |
• Kabuuan | 4,505.882 km2 (1,739.731 milya kuwadrado) |
Populasyon (31 Disyembre 2020)[1] | |
• Kabuuan | 402,011 |
• Kapal | 89/km2 (230/milya kuwadrado) |
Kodigo ng ISO 3166 | TH-51 |
Websayt | http://www.lamphun.go.th/ |
Kasaysayan
baguhinSa ilalim ng lumang pangalan nito na Haripunchai, Ang Lamphun ay dating pinakahilagang lungsod ng Kaharian ng mga Mon noong panahon ng Dvaravati, at ang huling bumagsak sa kapangyarihan ng mga Thai.Sa kaduluhan ng ika-12 dantaon ito ay inatake ng pwersa ng Khmer, subalit hindi ito nagtagumpay. Ngunit noong 1281, si Haring Mengrai ng Lannathai ay sinakop ang lungsod, at naging bahagi ng kanyang kaharian.
Sagisag
baguhinAng panlalawigang sagisag ay ipinakikita ang templo ng Wat Phra That Haripunchai, na dati nang pangunahing templo ng lungsod ng Lamphun noong panahon ng mga Mon. Ang chedi na nababalutan ng ginto ay sinasabing naglalaman ng isangrelika ng Buudha. |
Pagkakahating Administratibo
baguhinAng lalawigan ay nahahati sa 7 mga distrito (Amphoe) at isang maliit na distrito (King Amphoe). Ang mga ito ay hinati pa sa 51 mga communes (tambon) at 520 mga barangay (muban).
Amphoe | King Amphoe | |
---|---|---|