Ang lamanlupa (Ingles: gnome) ay isang pang-mitolohiyang nilalang. Maaari itong nasa anyo ng isang duwende o tiyanak na nagbabantay ng isang nakabaong kayamanan, subalit maaari ring nasa hitsura ng matandang hukluban o uugud-ugod.[1]


Mga Uri ng lamanlupa

baguhin

Nuno sa Punso – Maliit at matandang espiritu na nakatira sa mga punso o burol ng lupa. Sila ay iginagalang at kinatatakutan dahil ang pagambala sa kanilang tirahan ay maaaring magdala ng sakit o kamalasan. Madalas sinasabi ng mga tao ang "Tabi-tabi po" upang hindi sila masaktan.

Duwende – Mga maliliit na nilalang na naninirahan sa iba’t ibang lugar tulad ng mga puno, punso, o ilalim ng bato. Maaari silang maging mabait o mapaglaro depende sa pakikitungo ng tao sa kanila. Mayroong Duwendeng Puti (mabait) at Duwendeng Itim (mischievous o malisyoso).

Tiyanak – Isang masamang nilalang na nag-aanyong sanggol. Ito ay umiiyak upang maakit ang mga tao sa kagubatan, at kapag lumapit ang tao, ipinapakita nito ang tunay na anyo at inaatake ang biktima. Pinaniniwalaang ang Tiyanak ay espiritu ng mga inabandonang o ipinagbuntis na sanggol.

Tikbalang – Isang nilalang na kalahating kabayo at kalahating tao, may katawan ng tao pero ulo at mga paa ng kabayo. Kilala silang nanloloko sa mga naglalakbay sa kagubatan, nililigaw ang landas ng mga tao sa pamamagitan ng ilusyon. Nangunguha ng babaeng kanilang natitipuhan upang gahasain o di kaya ay buntisin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Gnome - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.