Lamu
Ang Lamu ay isang bayan sa Pulo ng Lamu na bahagi ng Kapuluan ng Lamu sa baybayin ng Kenya. Nakatayo ito 341 kilometro (212 milya) hilaga-silangan ng Mombasa sa pamamagitan ng daan. Ito ang kabisera ng Kondado ng Lamu. Ito rin ang pinakamatandang bayan sa Kenya na tinitirhan pa rin ng tao, at isa itong sityo ng UNESCO World Heritage. Isa ito sa mga unang pamayanang Swahili sa baybayin ng Silangang Aprika, at itinatag ito noong 1370. Matatagpuan rito ang Kuta ng Lamu (Lamu Fort) at 23 moske. Karamihan sa mga nakatira rito ay Muslim.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.