Larba

(Idinirekta mula sa Larva)

Ang larba[1] (Ingles: larva, larvae) ang pangkalahatang katawagan sa anak ng anumang kulisap. Isa rin ito sa mga estado sa prosesong banyuhay (metamorphosis) lalong-lalo na sa mga insekto at mga ampibyo.[2] Isang halimbawa nito ay ang mga kiti-kiti, ang larba ng mga lamok, at ang mga higad ng mga paru-paro.

Ang higad ng Proserpinus proserpina, isang larba ng kulisap.

Maliban sa pagbabagong-anyo katulad ng mga paru-paro, nagbabago rin ang paraan ng kanilang mga pamumuhay kung sakali ang isang larba ay lumaki bilang isang adulto. Halimbawa nito ay ang mga butete na nakatira pa sa mga anyong tubig hangga't nagbagong-anyo sila bilang mga palaka na may kakayahan ng tumira sa lupa.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Larba". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Encyclopaedia Apollo, Volume VII (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.