Si Laura Chinchilla Miranda (ipinanganak noong 28 Marso 1959) ay isang politikong taga-Costa Rica at ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng Costa Rica. Siya ay isa sa dalawang Pangalawang Pangulo ng Óscar Arias, nagsilbi rin siya bilang Ministro ng Katarungan.[1] Nakakuha siya ng 46.76% bahagdan ng mga boto noong Halalan ng 2010 sa Costa Rica.[2][3]

Laura Chinchilla
Pangulo ng Kosta Rika
Taking office
8 Mayo 2010
Pangalwang PanguloAlfio Piva
Luis Lieberman
SumunodÓscar Arias
Personal na detalye
Isinilang (1959-03-28) 28 Marso 1959 (edad 65)
Partidong pampolitikaNational Liberation Party
AsawaJose Maria Rico
Alma materPamantasan ng Georgetown

Si Chinchilla ay nagtapos as Pamantasan ng Costa Rica at nakakuha siya ng master’s degree sa pampublikong polisiya mula sa Pamantasan ng Georgetown.[4][5] Bago pa siya pumasok sa politika, si Chinchilla ay nagtrabaho bilang isang tagapapayo sa mga NGO sa Latinong Amerika at Aprika, na karaniwang naamahala sa mga antas ng reporma sa hukuman at pampublikong isyu sa seguridad. Namahala siya sa administrasyon ni José María Figueres Olsen bilang pangalawang ministro para sa pampublikong seguridad (1994–1996) at ministro para sa pampublikong seguridad (1996–1998). Mula 2002 hanggang 2006, naglingkod siya sa Pambansang Asambleya bilang isang tinyente para sa lalawigan ng San José.

Isa si Chinchilla sa dalawang pangalawang pangulong nahalal sa ikalawang termino ni Arias (2006–2010). Bumaba siya sa puwesto noong 2008 para makapaghanda sa pagkakandidato bilang pangulo sa taong 2010. Noong 7 Hunyo 2009, nanalo siya bilang kinatawan ng Partido Liberación Nacional (PLN) na may 15% na lamang laban sa pinakamalapit niyang katunggali. Dahil dito, siya ang napili ng partido sa pagkakandidato para sa pagkapangulo.

Ang plataporma ni Chinchilla ay umiikot sa mga batas laban sa krimen dahil sa isyu ng seguridad sa Costa Rica. Handa niyang ipagpatuloy ang suporta ng administrasyong nauna sa kanya sa larangan ng malayang pangangalakal. Sa larangan ng lipunan, itinuturing siyang koserbatibo dahil sa pagtutol niya sa kasalang homosekswal at as isyu ng aborsyon.[6]

Mga paninindigan

baguhin

"Lakad para sa Buhay at Pamilya"

baguhin

Noong ika-28 ng 28 Nobyembre 2009, si Chinchilla ang katangi-tanging kandidato ng isang pambansang partido sa Costa Rica na sumuporta sa "Lakad para sa Buhay at Pamilya". Inorganisa ng mga pinuno ng simbahan, hangad ng lakad na tumutol sa paglalaglag ng sanggol at sa mga unyong sa mga parehong-kasariang mga magkasintahan.[7] Pinangambahan ng mga pinuno ng mga organisasyong karapatang pantao ang pagsali ni Chinchilla sa naturang paglakad dahil sa kanila sinismbolo nito ang pundamentalismo at homopobya.[8] Itinanggi ni Chinchilla na "hindi laban sa kahit anong grupo ang naturang paglakad".[9]

Paglaban sa sekularismo

baguhin

Tutol si Chinchilla sa pagpalit sa saligang-batas ng Costa Rica na gawing sekular ang kanilang bansa. Sa kasalukuyan ang Katoliko ang pambansang relihiyon ng bansa.[10] Kabaliktaran ito ng paniniwala ni Oscar Arias na sumusuporta sa pagtatag ng isang sekular na estado.[11]

Karapatan sa pagkakaanak

baguhin

Si Chinchilla ay tutol sa "morning after pill na itinuturing na pampalaglag.[12] Itinatanggi ito ng World Health Organization's (WHO) na nagsasabing di gagana ang gamot sa buntis na babae.[13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CIA World Factbook". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-24. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Supreme Court of Elections Naka-arkibo 2010-02-25 sa Wayback Machine..
  3. "SOCIALIST INTERNATIONAL MEMBERS". Socialist International.
  4. "Costa Rica elects first female president, Georgetown grad Laura Chinchilla". Vox Populi, Georgetown's blog of record. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-11. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Miller Llana, Sara (2010-02-08). "Costa Rica elects first woman president, inspiring the region". Christian Science Monitor.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Malkin, Elisabeth (2010-02-08). "Costa Rica: Female Leader Elected". New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Thousands March Against Gay Civil Unions in Costa Rica". Costa Rica Pages. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-19. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Navarro del Valle, Hermes (2009-11-24). "Una marcha vergonzosa". La Prensa Libre. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-26. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "LAURA CHINCHILLA CREARÁ MINISTERIO DE LA FAMILIA". informe-c.info. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-05. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "elnuevoalcazar.es". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-06. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Presidente Oscar Arias apoya reforma para declarar estado laico a Costa Rica". el Economista. 2009-09-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-20. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. MURILLO, ÁLVARO (2010-02-09). "Una mujer de ordeno y mando". El Pais.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Pan American Health Organization: emergency contraception PDF, World Health Organization

Mga panlabas na patutunguhan

baguhin
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Óscar Arias
Pangulo ng Costa Rica
Nahalal

2010–kasalukuyan
Kasalukuyan