Huwag itong ikalito sa Basum o Basong Xiang.

Ang Lawa ng Basong, Lawa ng Pagsum, o Pagsum Co, na literal may ibig sabihing "tatlong pangpang" o "tatlong pampang" sa Tibetano[1] ay isang lawang sumasakop sa 28 kuwadradong mga kilometro ng Kawnti ng Gongbo'gyamda, Prepektura ng Nyingchi ng Nagsasariling Rehiyon ng Tibet sa loob ng Tsina, na tinatayang nasa 300 kilometro pasilangan ng Lhasa sa Tibet. Sa 3,700 mga metro sa ibabaw ng antas ng dagat, mayroon itong mga 18 mga kilometrong haba at may pangkaraniwang lapad na tinatayang mga 1.5 mga kilometro. May sukat na 120 mga metro ang pinakamalalim na bahagi ng luntiang lawang ito.

Lawa ng Basong
Map
Mga koordinado: 30°00′51″N 93°57′01″E / 30.0142°N 93.9503°E / 30.0142; 93.9503
Bansa Republikang Bayan ng Tsina
Lawak
 • Kabuuan26 km2 (10 milya kuwadrado)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Guójiā cèhuìjú dìmíng yánjiūsuǒ 国家测绘局地名研究所: Xīzàng dìmíng 西藏地名 / bod ljongs sa ming བོད་ལྗོངས་ས་མིང། (Tibetan Place Names; Beijing, Zhōngguó Zàngxué chūbǎnshè 中国藏学出版社 1995); ISBN 7-80057-284-6, pahina 15. Minsang ikinalilito ito sa Basum (Basong Xiang 巴松乡 / dba’ gsum དབའ་གསུམ) na sa Kawnti ng Tingri ng Prepektura ng Xigazê, dahil sa pagkakatulad ng mga kapangalanang Intsik.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.