Lawrence Sanders
Si Lawrence Sanders (15 Marso 1920 – 7 Pebrero 1998) ay isang Amerikanong nobelista.
Lawrence Sanders | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Marso 1920
|
Kamatayan | 7 Pebrero 1998
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika[1] |
Trabaho | nobelista, manunulat, mamamahayag |
Talambuhay
baguhinIpinanganak siya sa Brooklyn, Bagong York. Pagkaraan ng pag-aaral sa publikong paaralan, nagpunta siya sa Kolehiyo ng Wabash at nakatanggap ng degri sa Batsilyer sa Sining. Nagbalik siya sa Lungsod ng Bagong York at naghanapbuhay sa Tindahang Departamento ng Macy's. Noong 1943, sumali siya sa Hukbo ng mga Marino ng Estados Unidos at nagtapos ng paglilingkod noong 1946.
Dati siyang naging isang manunulat ng editoryal para sa isang magasin. Sa paglaon, tumuon siya sa pagsusulat ng mga kathang-isip na panitikan. Naisulat niya ang kanyang unang nobela, ang Anderson Tapes noong 1970, sa edad na 50. Isa itong nobelang kinasasangkutan ng paglalahad ukol sa pangkat ng mga kriminal na magnanakaw sa isang maluhong gusali ng mga apartamento. Noong 1971, nagkamit siya ng Parangal na Edgar (en) mula sa Mga Manunulat ng Misteryo ng Amerika, para sa pinakamahusay na unang nobela.
Mga sanggunian
baguhin- "Authors and Creators: Lawrence Sanders," Thrilling Detective Web Site, ThrillingDetective.com
- "Lawrence Sanders," Contemporary Authors, 5 Setyembre 2003. Literature Resource Center, Gale (13 Pebrero 2004).
- Bibliyograpiya ng May-akda, BookReporter.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ https://libris.kb.se/katalogisering/c9psxbdw3r6xnfx; petsa ng paglalathala: 9 Mayo 2008; hinango: 24 Agosto 2018.