Nakahilig na Tore ng Pisa
Ang Nakahilig na Tore ng Pisa (Ingles: Leaning Tower of Pisa o The Tower of Pisa, Italyano: Torre pendente di Pisa o La Torre di Pisa) o payak lamang na Ang Tore ng Pisa ay ang malayang nakatayong tore ng kampanilya (tore de kampanilya) ng katedral ng Lungsod ng Pisa, Italya. Matatagpuan ito sa likod ng katedral at siyang ikatlong pinakamatandang istruktura o kayarian sa Liwasan ng Katedral ng Pisa (Piazza del Duomo) matapos ang katedral at baptistriya.
Nakahilig na Tore ng Pisa | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Romano Katoliko |
District | Tuskanya |
Province | Pisa |
Lokasyon | |
Lokasyon | Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 43°43′23″N 10°23′47″E / 43.72306°N 10.39639°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Bonanno Pisano |
Groundbreaking | 1173 |
Nakumpleto | 1372 |
Mga detalye | |
Taas (max) | 55.86 metro (183.3 tal) |
Mga materyales | marmol |
Websayt | |
Official Website |
Bagaman nilayong nakatayo ng tuwid at bertikal, nagsimulang tumagilid o kumiling ito sa timog-silangan habang ito ay itinatayo noong 1173 dahil sa hindi sapat na pundasyon at malambot na lupa sa isang bahagi na walang kakayahang bigyang suporta ang bigat ng istruktura. Lumala nag paghilig o pagkiling nito bago pa man matapos ang konstruksyon. Napigilan ang mas lalong paghilig ng tore (at naibsan ng bahagya ang paghilig) dahil sa mga hakbang na itinaguyod noong pagitan ng ika 20 at 21 siglo. istratum o substratong nagpahintulot sa pagbabago ng patutunguhan o direksiyon ng pundasyon. Sa kasalukuyan, nakahilig ito papuntang timog-kanluran.
May taas ang tore na 55.86 metro (183.27 talampakan) mula sa lupa sa pinakamababang gilid at 56.70 metro (186.02 talampakan) sa pinakamataas na gilid. Sa base o paanan nito, nasa 2.44 metro (mahigit 8 talampakan) ang lapad ng mga pader o dingding. Tinatayang tumitimbang ito ng may 14,500 metrikong tonelada (16,000 maiikling mga tonelada). Ito ay may 294-296 na hakbangan ang tore; mayroong mas mangilan-ngilang mga hakbangan ang ikapitong palapag sa hagdanang nakaharap sa hilaga. Humilig ang tore sa anggulong 5.5 grado.[1][2][3], subalit pagkaraan ng mga gawaing pangrestorasyon sa pagitan ng 1990 at 2001, nakakiling na ang tore sa anggulong 3.99 grado.[4] Nangangahulugan ito na ang tuktuk ng tore lumihis ng 3.9 metro (12 talampakan at 10 pulgada) mula sa gitna kung wasto o tama ang katuwiran nito.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "EUROPE | Saving the Leaning Tower". BBC News. Nakuha noong 2009-05-09.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tower of Pisa". Archidose.org. 2001-06-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-26. Nakuha noong 2009-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-06-26 sa Wayback Machine. - ↑ "Leaning Tower of Pisa (tower, Pisa, Italy) - Britannica Online Encyclopedia". Britannica.com. Nakuha noong 2009-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "E la Torre di Pisa non oscilla più". Scienze.TV. 2008-05-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-24. Nakuha noong 2009-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ tan(3.98 degrees) * (55.86 m + 56.70 m)/2 = 3.9 m