Ang LeapFrog Epic (inistilo bilang LeapFrog epic) ay isang tablet computer na inilikha at inilabas ng LeapFrog Enterprises noong Setyembre 2015. Ito ang kanilang kauna-unahan nilang tablet na gumagamit ng Android na operating system, at tulad ng kanilang ibang mga laruan at komputer, ang LeapFrog Epic ay idinisenyo para sa mga batang taong 3–9.

LeapFrog Epic
LumikhaLeapFrog Enterprises
GumawaQuanta Computer[1]
UriTablet
Araw na inilabasSeptember 2015
Halaga noong inilabas$139
Operating systemAndroid 4.4
CPUMediaTek MT8127 (ARM Cortex A8; 1.3 GHz)[2]
Memory1 GB or 800 MB
StorageFlash memory
16 GB and microSD slot
Display1024 × 600 px (aspect ratio 128:75), 7.0 pul (18 cm) diagonal, appr. 21 in2 (140 cm2) at 170 PPI or 200  PPI
GraphicsARM Mali-450 MP4
Soundspeaker, microphone, headset jack
InputMulti-touch screen
Kamera2 MP camera, 2 MP front-facing camera (for video calls)
ConnectivityWi-Fi 802.11b/g/n, Bluetooth 4.0
Power3420 mAh battery
Online na serbisyoLeapFrog App Center
Amazon App Store
Sukat162.05 mm (6.380 pul) (h)
228.6 mm (9.00 pul) (w)
25.9 mm (1.02 pul) (d)
Bigat585.13 g (20.640 oz)
WebsaytLeapFrog Epic

Mga katangian

baguhin

Ang LeapFrog Epic ay mayroong 7-pulgada (180 mm) TFT-LCD na touchscreen, kakayahang kumonekta sa Wi-Fi, isang 1.3 GHz ARM Cortex-A7 MediaTek MT8127 processor, 2.0 MP na kamera sa likod at isang 2.0 MP na kamera sa harapan.[2]

Idinisenyo ang Epic para makatulong sa pag-aaral ng mga batang nasa elementarya, at tulad ng kanilang LeapPad Explorer na serye ng mga tablet, ang software at mga laro na idinisenyo sa Epic ay kusang umaangkop sa baitang at kakayahan ng isang bata habang sila ay lumalaki. Wala itong kabitan ng mga balang pang-larong bideyo, kaya ang ibang mga laro para sa Explorer ay hindi magagamit sa Epic, ngunit mayroon ding bersyon ng mga laro para sa Explorer na mailalaro sa Epic.[3]

Gumagamit ang Epic ng Android KitKat na operating system, na siya namang binago ng LeapFrog para maging angkop sa mga bata. Noong una ay wala pa itong kakayahang tumanggap ng mga laro at software na galing sa ibang plataporma maliban sa mga talaksang APK na galing sa ibang websayt, pero naglabas ng update ang LeapFrog para maka-karga ng mga laro at aplikasyon galing sa Amazon App Store.[2][4]

Naglabas din ang LeapFrog ng bagong bersyon ng Epic na tinawag na Academy Edition noong 2017. Halos pareho ito ng katangian sa orihinal na Epic, maliban sa binagong bumper na pangprotekta sa pagkabagsak at akses sa programang LeapFrog Academy.[5][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Educational 7 inch Tablet Test Report None Quanta Computer Inc". Federal Communications Commission. Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Casey, Henry. "LeapFrog Epic Tablet - Full Review and Benchmarks". Laptop Mag. Purch Group. Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Is the LeapFrog Epic tablet compatible with LeapPad tablets?". LeapFrog Enterprises. Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Miles, Stuart. "LeapFrog Epic review: Putting parents in control". Pocket-lint. Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "LeapFrog Epic™ Academy Edition". LeapFrog Enterprises. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2018. Nakuha noong 6 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Epic 2.0 Academy Edition". The Douglas Stewart Co. Nakuha noong 6 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Kawing panglabas

baguhin