Lee Yu-ri
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Lee.
Si Lee Yu-ri (Koreano: 이유리; ipinanganak Enero 28, 1980) ay isang artista at negosyante mula sa Timog Korea. Nagsimula ang kanyang karera sa pag-aartista noong siya ay mapabilang bilang isa sa mga orihinal na karakter sa palabas na School 4 noong taong 2002 at lumabas sa Koreanovelang pampamilya na Precious Family noong 2005.[1] Magbuhat noo'y namayagpag ang kanyang karera sa pag-arte at pagmomodelo at gayundin sa pag-endorso ng produkto. Gumanap din siya bilang kontrabida sa mga ibang Koreanovela tulad ng Twinkle Twinkle (2011) at Jang Bo-ri is Here! (2014).
Lee Yu-ri | |
---|---|
Kapanganakan | Eungam, Eunpyeong, Seoul, South Korea | 28 Enero 1980
Edukasyon | Kyewon University of Arts and Design |
Trabaho | actress |
Aktibong taon | 2001-kasalukuyan |
Ahente | The Jun Entertainment |
Asawa | Jo Kye-hyun (m. 2010) |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 이유리 |
Hanja | 李幼梨 |
Binagong Romanisasyon | I Yu-ri |
McCune–Reischauer | I Yuri |
Website | Official website |
Noong 2014, nanalo si Lee ng Grandeng Premyo sa MBC Drama Awards nang natamo ang 385,434 (mga 54%) sa 712,300 mga boto na pinadala ng mga manonood.[2][3] Nakaranggo din siya sa pinakamataas na limang mga "Aktor ng Taon" sa Korea ng Gallup at umangat ang kanyang ranggo sa ikalawang puwesto pagkatapos ni Kim Soo-hyun.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Lee Yu-ri Poised to Emerge as Next-Generation 'Hallyu' Star". Hancinema (sa wikang Ingles). KBS World. Mayo 11, 2005.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'MBC Drama Awards' Lee Yu-ri received Grand Award for 'Jang Bo-ri Is Here!'". Hancinema (sa wikang Ingles). Hankooki. Disyembre 30, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lee Kyung Gyu and Lee Yuri Win Big at SBS and MBC Awards". Mwave (sa wikang Ingles). Enero 2, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 23, 2018. Nakuha noong Disyembre 4, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim Soo-hyun, Lee Yu-ri Named Most Memorable Actors". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). Disyembre 23, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.