Lee de Forest
Si Lee de Forest (26 Agosto 1873–30 Hunyo 1961) ay isang Amerikanong imbentor na umangkin ng 180 mga patente. Tinawag niya ang kaniyang sarili bilang ang "Ama ng Radyo," na nagsasabing natuklasan niya ang isang Imperyo ng Hangin na Hindi Natatanaw, hindi nasasalat, subalit solidong katulad ng granito.[1]
Noong 1906, inimbento ni De Forest ang Audion, ang unang triode vacuum tube at ang unang dekuryenteng aparato na nakapagpapalakas ng isang mahinang signal ng kuryente at nagagawang palakasin (amplify) ito. Ang Audion, at mga tubo ng vacuum ay umunlad magmula rito, nagtatag ng larangan ng elektroniks at nangibabaw dito sa loob ng 40 mga tao, na nakagawang maging maaari ng pagbobrodkast sa radyo, telebisyon, at serbisyong pangtelepono na pangmalayuan (long-distance), bukod sa iba pang mga paggamit. Dahil dito, tinawag si De Forest bilang isa sa mga ama ng "kapanahunang elektroniko". Idinirikit din sa kaniya ang isa sa mga pangunahing imbensiyon na nagdala ng tunog sa mga pelikula.
Nasangkot siya sa ilang mga demandahan hinggil sa mga patente, at gumugol ng malaking bahagi ng kaniyang kinikitang salapi magmula sa kaniyang mga imbensiyon para sa mga bayaring legal. Ikinasal siya ng apat na ulit at nagkaroon din siya ng 25 mga kompanya. Nasakdalan siya ng panlilinlang sa pakikipaglihaman, subalit napawalang-sala sa pagdaka.
Naging miyembro si De Forest ng Institute of Radio Engineers. Ang DeVry University ay orihinal na may pinangalanang DeForest Training School ng tagapagtatag nito na si Dr. Herman A. DeVry, na isang kaibigan at panyero (kolega) ni De Forest.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Campbell, Richard, Christopher R. Martin, and Bettina Fabos. "Sounds and Images." Media and Culture: An Introduction to Mass Communication. Boston: Bedford/St. Martin's, 2000. 113, dagdag na teksto.