Ang Lehiyon ni Maria (sa Ingles ay Legion of Mary at sa Latin ay Legio Mariae) ay isang pandaigdigang organisasyon ng Simbahang Katoliko para sa mga layko o hindi mga pari na naglilingkod sa simbahan sa pamimintuho kay Maria.

Sa tuwing magdaraos ng pulong sa Lehiyon ni Maria, ganito ang pagkakaayos ng altar, habang sa tapat ng altar nakaupo ang pangulo ng isang praesidium, curia, comitium, regia, senatus o concilium.
Ito ang Vexillum na siyang Simbolo ng Lehiyon ni Maria

Kasaysayan ng pagkakatatag

baguhin
 
Si G. Frank Duff ang nagtatag ng Legion ni Maria. Itinatag niya ang Legion noong ika-7 ng Setyembre 1921 sa Dublin, Irlanda

Binuo ni Frank Duff ang organisasyon sa Dublin, Irlanda noong ika-7 ng Setyembre 1921 dahil sa kanyang masidhing hangarin na magkaroon ng pamimintuho ang mga layko kay Maria.

Layunin ng Lehiyon

baguhin

Ang layunin ng Lehiyon ni Maria ay ang kaluwalhatian ng Diyos at ang kabanalan ng mga kasapi sa pamamagitan ng panalangin at pakikipag-isa sa gawain ni Maria at Santa Iglesia na durugin ang Ulo ng Ahas (Genesis 3:15) at palaganapin ang kaharian ni Kristo sa ilalim ng pamunuan ng Simbahan.[1]

Ang mga Paraan para maging isang miyembro ng Lehiyon

baguhin

Ang Lehiyon ni Maria ay bukas sa lahat ng mga katoliko na:
- Tapat na tumutupad ng kanilang relihiyon.
- May maalab na hangaring isagawa ang apostolado sa mga gawain ng Lehiyon.
- Handang sumunod sa bawat isa at sa lahat ng tungkulin.

Para maging miyembro ng organisasyong ito, kailangan siya ay binyagang katoliko at handang maglingkod sa watawat ni Maria sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa sa kapwa upang mapalapit sa Diyos at sa Simbahan. Ang gawaing ito ay tinatawag na apostolado.[2]

Ang mga nais maging kasapi ng Lehiyon ay kailangang magpatala sa Praesidium. Kung ang kandidato ay wala pang labing-walong gulang, siya ay matatanggap lamang sa Junior praesidium.[1]

Pamahalaan ng Lehiyon

baguhin

Ang pamahalaan ng Lehiyon, maging pampook at panlahat ay pinapatakbo ng kanyang mga sanggunian o councils. Ang kanilang tungkulin ay pairalin ang buklod ng pagkakaisa, panatilihing buhay ang mga simulain ng Lehiyon ni Maria, ipagtanggol ang diwa, mga tuntunin at patakaran ng Lehiyon alinsunod sa saligang-aklat ng Lehiyon at palaganapin ito.

Ang takbo ng Lehiyon ay magiging mabuti kung ang palakad na ipinatupad nito ay mabuti.

Ang mga sanggunian ng Lehiyon ay ang mga sumusunod, mula sa mababa hanggang pinakamataas na sanggunian:

- Praesidium
- Curia
- Comitium
- Regia
- Senatus
- Concilium[1]

Pagpapalaganap ng Lehiyon

baguhin

Ang Lehiyon ay lumaganap sa buong mundo sa tulong na rin ng dalawang prominenteng lingkod ng Lehiyon na si Kagalang-galang Edel Quinn na nagpalaganap ng Lehiyon sa kontinente ng Aprika, at ni Lingkod ng Diyos, Alfie Lambe na nagpalaganap naman sa kontinente ng Timog Amerika.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Padron:Legion of Mary Tagalog Handbook
  2. Saligang Aklat ng Lehiyon ni Maria. Nilimbag ng Concilium Legionis Mariae. Dublin, Irlanda. Bagong Edisyon, 1993. Nihil Obstat: Mons. Soc Villegas. Imprimi protest: +Jaime Card. Sin, Archiep. Manilensis. Maynila, Disiembre 8, 1996.