Ang Lenovo Group Limited, malimit na pinaikli bilang Lenovo (/ləˈnoʊvoʊ/ lə-NOH-voh, Chinese: 联想; pinyin: Liánxiǎng), ay isang Amerikanong Tsinong multinasyunal na teknolohikal na kumpanya na nakatutok at dalubhasa sa pagdisenyo, pagmamanupaktura, at pagkalakal ng elektronikong pamimilihin (consumer electronics), kompyuter, software, solusyong pang-negosyo (business solutions), at mga kaugnay na serbisyo. Kasama sa mga produktong gawa ng kumpanya ay mga desktop na kompyuter, laptop, tabletang kompyuter (tablets), smartphone, istasyon ng mga kompyuter (workstation), online server, superkompyuter, elektronikong imbakan ng impormasyon (electronic storage devices), software para sa pangangasiwa ng impormasyong teknolohiya (IT management software), at telebisyong makabago (Smart TVs). Ang mga pinakakilalang tatak ng kumpanya ay laptop kompyuter na IBM ThinkPad, ang IdeaPad, Yoga, at tatak Legion na laptop kompyuter, at tiyaka mga uri ng IdeaCentre at ThinkCentre na desktop kompyuter. Mula noong 2021, ang Lenovo ay ang pinakamalaking kumpanya sa mundo na nagtitinda ng personal na kompyuter sa bilang ng benta ng unit.

Lenovo Group Limited
Pangalang lokal
联想集团有限公司
Liánxiǎng Jítuán Yǒuxiàn Gōngsī
UriPublic
Padron:Sehk
IndustriyaComputer hardware
Electronics
Itinatag1 Nobyembre 1984; 40 taon na'ng nakalipas (1984-11-01) (as Legend 联想)
Beijing
Nagtatag
Punong-tanggapan
Pinaglilingkuran
Worldwide
Pangunahing tauhan
Yang Yuanqing (Chairman and CEO)
Produkto
KitaIncrease US$71.618 billion (2022)[3]
Kita sa operasyon
Increase US$3.081 billion (2022)[3]
Increase US$2.145 billion (2022)[3]
Kabuuang pag-aariIncrease US$44.51 billion (2022)[3]
Kabuuang equityIncrease US$5.395 billion (2022)[3]
Dami ng empleyado
~75000 (2022)[3]
Subsidiyariyo

Itinatag ang Lenovo sa Beijing noong ika-1 ng Nobyembre 1984 bilang Legend, ng isang grupo ng mga inhinyero na kabilang si Danny Lui. Sa simula’y nakatutok lamang sa mga telebisyon, ang kumpanya ay gumalaw tungo sa pagmamanupaktura at pagkalakal ng mga kompyuter. Lumaki’t nanguna ang Lenovo sa merkado ng Tsina at kumita ng halos US$30 milyon nang maging pampubliko ang kanilang stock (initial public offering) sa Hong Kong Stock Exchange. Mula noong dekada nobenta, ang Lenovo ay lalong pinarami ang kanilang mga produkto mula sa personal na kompyuter lamang at binili’t nakuha ang ilang mga korporasyon. Kasama sa mga pinakakilala at litaw ay ang pag-isahin ang karamihan ng mga kompyuter ng kumpayang IBM at ang kanilang negosyong x86-based server na kompyuter prosesor, pati na rin ang paglikha nila ng sariling smartphone.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Locations | Lenovo US". www.lenovo.com.
  2. "Locations – Lenovo US". Lenovo. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2020. Nakuha noong 2020-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Lenovo Group Limited Annual Report 2022 (PDF) (Ulat). Lenovo. Nakuha noong 26 Mayo 2022.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "It's official: Motorola Mobility now belongs to Lenovo – CNET". cnet.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2017. Nakuha noong 2014-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)