Papa Leo VI

(Idinirekta mula sa Leon VI “ang Tuso”)

Si Papa Leo VI (namatay noong Pebrero 929) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano sa kaunting higit sa pitong buwan mula Hunyo 928 hanggang Pebrero 929. Ang kanyang pagkapapa ay nangyari sa panahong kilala bilang Saeculum obscurum. Si Leo VI ay ipinanganak sa isang pamilyang Romano at ang kanyang ama ay si Christophorus na naging Primicerius sa ilalim ni Papa Juan VIII noong mga taong 876. Ayon sa tradisyon, siya ay isang kasapi ng pamilyang Sanguini.[1] Bago ang kanyang pagluklok sa trono ng papa, siya ay nagsilbing kardinal-pari ng simbahan ng Santa Susanna.[2] Siya ay nahalal na papa noong mga Hunyo 928 sa panahon ng anarkiya.[2] Siya ay napili ng senatrix Marozia na nagkamit ng kontrol sa Roma sa pamamagitan ng pananaig sa kanyang asawang si Guy, Margrave ng Tuscany at nag-utos ng pagpapabilanggo at kamatayan ng predesesor ni Leo na si Papa Juan X.[3] Sa kanyang maikling pagkapapa, kanyang kinumpirma ang mga desisyon ng Synod ng Hati.[2] Kanyang kinumpleto ang mga imbestigasyon ng kanyang predesesor sa sitwasyong eklesiastikal sa Dalmatia at tumungo sa pallium kay Juan na arsobispo ng Salona at inutos sa lahat ng mga obispong Romano Katoliko ng Dalmatia na sumunod sa kanya. Kanya ring inutosan ang obispo ng Nona at iba pa na limitahan ang kanilang mga sarili sa mga saklaw ng kanilang mga diyoses.[4] Pagkatapos ay naglabas si Leo ng isang pagbabawal sa castrati na pumasok sa unyon ng kasal.[5] Siya ay naglabas rin ng isang apela laban sa mga Arabong mandarambong na nagbabanta sa Roma na nagsasaad na:

Leo VI
Nagsimula ang pagka-PapaJune 928
Nagtapos ang pagka-PapaFebruary 929
HinalinhanJohn X
KahaliliStephen VII
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakan? Leo Sanguini
Kapanganakan???
Rome, Papal States
YumaoFebruary 929
Rome, Papal States
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leo

”Sinumang namatay ng tapat sa pakikibakang ito ay hindi makikita ang kanyang sarili na tinanggihan sa pagpasok sa makalangit na kaharian.”[6]

Siya ay namatay noong Pebrero 92.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Georgina Masson, The Companion Guide to Rome (1980), pg. 177
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Mann, pg. 188
  3. Mann, pgs. 163-164
  4. Mann, pg. 168
  5. Medical problems of performing artists, Volume 13 (1998), pg. 151
  6. Pierre Riché, The Carolingians: A Family Who Forged Europe (1993), pg. 311


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.