Si Technical Sergeant Leonard P. Matlovich (Hulyo 6, 1943 – Hunyo 22, 1988)[1] ay isang beterano noong Digmaan sa Vietnam, instruktor ng "race relations", at tagapagtanggap ng "Purple Heart" at "Bronze Star".[2]

Leonard Matlovich
Kapanganakan6 Hulyo 1943
  • (Chatham County, Georgia, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan22 Hunyo 1988
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomilitary personnel

Si Matlovich ang kauna-unahang “service member” na lumaban sa ban sa mga bakla sa militar, at marahil ang pinakatanyag na bakla sa Amerika noong 1970s maliban kay Harvey Milk. Ang kanyang laban upang manatili sa Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos pagkatapos ng kanyang pag-amin na siya’y isang bakla ay nagdulot ng malawakang kontrobersiya sa buong bansa na siyang sinuportahan ng gay community doon. Ang kanyang kaso ay nagresulta sa mga artikulo sa mga pahayagan at magasin sa Amerika, maraming mga interbyu sa telebisyon, at ng isang “television movie” sa NBC. Ang kanyang litrato na lumitaw sa pabalat ng isyu ng Time magazine noong ika-8 ng Setyembre 1975 ay siyang naging simbulo ng mga libo-libong mga miyembro ng ikatlong sex na naninilbihan bilang “service members”[3][4][5][6]. Si Matlovich ang kauna-unahang bakla na lantarang lumitaw sa pabalat ng isang news magasin sa Estados Unidos [7]. Ayon kay Randy Shilts, "It marked the first time the young gay movement had made the cover of a major newsweekly. To a movement still struggling for legitimacy, the event was a major turning point." [8] Noong Oktubre ng taong 2006, si Matlovich ay pinarangalan ng LGBT History Month bilang isang lider sa kasaysayan ng komunidad ng LGBT.

Naging Buhay at Trabaho

baguhin

Ipinanganak sa Savannah, Georgia, siya ang natatanging anak na lalaki ng isang “career Air Force sergeant”. Noong kanyang pagkabata, naninirahan siya sa mga base-militar sa timog na bahagi ng Estados Unidos. Si Matlovich at ang kanyang mga babaeng kapatid ay kabilang sa Roman Catholic Church. Hindi nagtagal pagkatapos ng kanyang pagsali sa militar noong siya’y 19 taong gulang, ang Estados Unidos ay nagdagdag ng puwersa-militar sa Vietnam, mga sampung taon pagkatapos abandunahin ng mga Pranses ang aktibong pamamahala sa nasabing bansa. Si Matlovich ay nagkusang loob na na maglingkod sa Vietnam, kung saan siya’y nanilbihan ng tatlong “tours of duty”. Siya ay malubhang nasugatan nang nakatungtong siya sa isang land mine sa Đà Nẵng.

Noong naka-estasyon pa siya sa Florida malapit sa Fort Walton Beach, nagsimula siyang pumunta sa mga gay bars malapit sa Pensacola. "I met a bank president, a gas station attendant - they were all homosexual," sinabi ni Matlovich sa isang interbyu. Noong siya’y 30 taong gulang, naranasan niyang makipagtalik sa isang lalaki sa kauna-unahang panahon. Siya’y umamin sa kanyang mga kaibigan, ngunit itinago niya ito sa kanyang commanding officer. Naunawaan niya na ang kaniyang kinalakihang pananaw sa racism ay mali, at ito’y nag-udyok sa kanya upang magkusang loob na magturo sa Air Force Race Relations, mga klase na itinaguyod pagkatapos mangyari ang mga “racial incidents” sa militar noong huling bahagi ng 1960s patungong 1970s. Naging matagumpay siya sa Air Force at, dahil dito, siya’y ipinadala sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang magturo ng ibang mga instruktor. Unti-unting nabuo sa kanyang isipan ang ideya na ang diskriminasyong kinakaharap ng mga bakla ay pareho rin sa nararanasan ng mga African Americans.

Pagiging Aktibista

baguhin

Noong Marso ng taong 1974, walang kaalam-alam sa nakaayos na kilusan ng mga homoseksual, nagpa-interbyu si Matlovich sa isang baklang aktibistang nagngangalang Frank Kameny, isang manunulat ng Air Force Times. Si Kameny ay naging tagapag-payo ng maraming mga bakla sa militar sa mga nakaraang taon. Tinawagan ni Matlovich si Kameny sa Washington DC at nalamang si Kameny pala ay matagal nang naghahanap ng isang homoseksual na “service member” na may perpektong rekord upang makagawa ng isang “test case” na hahamon sa ban ng militar sa mga bakla. Pagkatapos ng apat na buwan, nakipagkita si Matlovich kay Kameny at kay David Addlestone, isang abogadong nagtapos sa ACLU at sila’y gumawa ng plano. Noong ika-6 ng Marso 1975 naman, ibinigay ni Matlovich sa kanyang Langley AFB commanding officer ang isang liham na sinulat niya. Nang tinanong ng kanyang kumander, “What does this mean?” Sinagot ito ni Matlovich na, “It means Brown versus the Board of Education”—isang pagtukoy sa 1954 landmark ng Kataas-taasang Hukuman na ipinagpapabawal ang paghihiwa-hiwalay sa mga tao base sa kanilang lahi sa mga pampublikong paaralan. [9]

Marahil ang pinakamasakit na aspeto sa buong karanasan para kay Matlovich ay ang pagaamin nito sa kanyang mga magulang. Sinabi niya ito sa kanyang ina sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Siya’y sobrang nabigla at tumangging ilahad ang katotohanan sa ama ni Matlovich. Akala ng ina pinarurusahan siya ng Panginoon dahil sa isang kasalanang kanyang ginawa kaya nangyayari ito, kahit na ang paniniwalang ito ay taliwas sa tinuturo ng Simbahang Katoliko. Sa tingin rin niya’y hindi sapat ang pagdadasal na ginagawa ng kanyang anak o kaya’y dapat na siyang magpatingin sa mga psychiatrists. Umamin ang ina ni Matlovich sa huli na matagal na siyang may hinala tungkol sa totoong sexualidad ng kanyang anak. Natuklasan naman ng ama ni Matlovich ang katotohanan nang mabasa niya sa pahayagan ang tungkol sa hamon na ginawa ni Matlovich noong Memorial Day ng taong 1975. Ang nabasa niya ay isang artikulo sa unang pahina ng The New York Times, at napanood narin niya ito sa CBS Evening News with Walter Cronkite nang kinagabihang iyon. Natandaan ni Matlovich na “He cried for about two hours.” Pagkatapos nito, sinabi ng ama ni Matlovich sa kanyang asawa na, “If he can take it, I can take it.”

Pagtanggal sa Serbisyo at Pagsampa ng Lawsuit

baguhin

Nang mga panahong iyon, ang Air Force ay nagkaroon ng isang kakaibang “exception clause” na pumapayag na manilbihan ang mga homoseksual ngunit sa ilalim ng ilang kondisyon. Sa kanyang “administrative discharge hearing” noong Setyembre ng 1975, tinanong siya ng isang abogado ng Air Force kung papayag siyang lumagda sa isang dokumentong nangangakong “hindi na siya muling magpa-praktis ng homosexualid” kapalit sa pagpayag sa kanyang manatili sa Air Force. Tumanggi si Matlovich. Sa kabila ng kanyang kapuri-puring rekord sa militar, sa kanyang mga “tours of duty” sa Vietnam, at mahusay na pagganap sa kanyang mga tungkulin, pinagpasyahan ng hukuman na hindi angkop na manilbihan sa Air Force at inirekomenda siya sa isang “General, or Less than Honourable, discharge”. Ngunit tumutol dito ang kumander sa base at hinimok silang gawin itong Honourable. Pumayag naman ang sekretarya ng Air Force. Kinumpirma ang pagtanggal kay Matlovich sa serbisyo ng Oktubre ng 1975.

Siya’y nagsampa ng kaso para maibalik sa dating posisyon, ngunit masyadong matagal ang legal na proseso at pabalik-balik lang ang kaso sa Distrito ng Estados Unidos at mga “Circuit Courts”. Pagdating ng Setyembre ng taong 1980, nabigo ang Air Force na magbigay ng eksplenasyon kay Judge Gerhard Gesell, isang hukom ng US District Court, na nagpapahiwatig kung bakit hindi natugunan ni Matlovich ang criteria. Inutos ni Gesell na ibalik si Matlovich sa Air Force at bigyan ng mas mataas na posisyon ngunit inalok nalang ng Air Force si Matlovich ng isang “financial settlement”. Tinanggap ito ni Matlovich sapagkat alam niyang kumbinsido ang Air Force na maghanap ng iba pang rason upang paalisin siya kung sakaling bumalik siya sa kanila, o baka naman ay aapela ang mga ito sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos na siguradong kakampi sa Air Force. Ang natanggap niyang pera, base sa “back pay, future pay and pension” ay umabot sa 160,000 na dolyares.

Excommunication

baguhin

Converted na Mormon at “church elder” na si Matlovich nang manirahan sa Hampton, Virginia. Doon, laban sa kanya ang mga miyembro ng Latter Day Saints sapagkat hindi sila sang-ayon sa kanyang sexualidad. Dalawang beses siyang ipina-excommunicate ng The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints dahil sa kanyang mga ginawang homosekswal. Ang unang pagpapatalsik sa kanya’y naganap noong ika-7 ng Oktubre ng 1975 sa Norfolk, Virginia, at ang ikalawang pagkakataon naman ay nangyari noong 17 Enero 1979 pagkatapos ng kanyang pagpapakita sa palabas ni Phil Donahue noong 1978. Dahil sa mga nangyari, tumigil na si Matlovich bilang isang “believer”. [7]

Kasunduan, Huling Bahagi ng Buhay at Pagkakasakit

baguhin

Pagkatapos mailahad sa publiko ang kanyang kaso, si Matlovich ay paulit-ulit na tinawagan ng mga grupo ng mga bakla upang hingiin ang kanyang tulong na makalikom ng pera para sa kanilang kapanya laban sa diskriminasyon sa mga homosekswal. Siya’y namuno sa mga kampanya laban kay Anita Bryant ng Miami Florida na nagsumikap na ipawalang-bisa ang “gay nondiscrimination ordinance,” at kay John Briggs na siyang nagpunyagi na i-ban ang mga homosekswal na guro sa California. Binatikos minsan si Matlovich ng mga taong galing sa “left.” Sabi niya minsan, “I think many gays are foced into liberal camps only because that’s where they can find the kind of support they need to function in society.” Pagkatapos matanggal sa trabaho, siya’y lumipat sa Washington D.C. galing sa Virginia, at noong taong 1978, lumipat muli siya sa San Francisco. Noong 1981, siya’y nagpasiyang manirahan sa Russian River town ng Guerneville kung saan ginamit niya ang perang kanyang nakuha sa “settlement” ng kanyang kaso upang magbukas ng isang restawran na nagbebenta ng pizza.

Nang lumaganap ang sakit na HIV/AIDS sa Estados Unidos noong huling bahagi ng 1970s, ang personal na buhay ni Leonard ay nasali sa isterismong naganap noong 1980s. Binenta niya ang kanyang restawran noong 1984 at lumipat sa Europa pagkaraan ng ilang buwan. Bumalik naman siya sa Washington D.C. noong 1985 at nanilbihan sa San Francisco kung saan nagbebenta siya ng mga Ford na kotse at muling naging aktibo sa pakikilaban para sa mga karapatan ng mga homosekwal.

Noong panahon ng tag-init ng taong 1986, biglang nakaramdam ng labis na pagkapagod si Matlovich at nagkaroon siya ng “chest cold” na hindi niya magamot-gamot. Nang sa wakas ay nagpatingin na siya sa doktor nang Setyembre ng taong iyon, nalaman niyang may HIV/AIDS na pala siya. Siya’y naging labis na mahina at dahil dito ay tumigil siya sa pagtatrabaho sa Ford dealership. Siya ang ilan sa kauna-unahang sumailalim sa mga AZT treatment, ngunit hindi naging maganda ang kanyang mga resulta. Siya’y naging salanta pero nagpatuloy parin sa pagtulong sa HIV/AIDS research na nananaliksik tungkol sa sakit na pumapatay sa libu-libong taong naniniraha sa Bay Area at sa buong bansa. Ipinahayag niya sa Good Morning America noong 1987 na siya’y may HIV. Siya’y inaresto kasama ang ibang mga demonstrador sa harapang ng White House nang Hunyo ng taong iyong sapagkat sila’y nagproportesta na kulang ang naging tugon ng Pangulong Ronal Reagan sa isyu tungkol sa HIV/AIDS.

Pagkamatay

baguhin

Noong ika-22 ng Hunyo 1988, hindi pa umaabot sa isang buwan pagkatapos ng kanyang ika-45 na pagdiwang, namatay si Matlovich dahil sa mga komplikasyon ng HIV?AIDS [1] sa ilalim ng isang malaking retrato ni Martin Luther King, Jr. Hindi nakasaad ang kanyang pangalan sa kanyang lapida sapagkat gusto niyang maging isang memoryal iyon para sa lahat ng mga baklang beterano. Nakalagay sa lapida ang sumusunod: “When I was in the military, they gave me a medal for killing two men and a discharge for loving one.” Ang kanyang lapida sa Congressional Cemetery ay nakahilera sa lapida ng dating FBI Director J. Edgar Hoover.

Legado

baguhin

Hindi lumipas ang mahabang panahon pagkatapos ang pagkamatay ni Matlovich noong 1988, ang kanyang mga “personal papers and memorabilia” ay ibinigay sa GLBT Historical Society, isang “musem, archives and research center” sa San Francisco. [10] Itinampok nito ang kuwento ni Matlovich sa dalawang eksibisyon: “Out Ranks: GLBT Military Service from World War II to the Iraq War” na ipinalabas noong Hunyo ng taong 2007 sa South Market Gallery ng society, at ang “Our Vast Queer Past: Celebrating San Francisco’s GLBT History” na bumukas noong Enero ng taong 2011 sa bagong GLBT History Museum sa Castro District.[11][12][13]

Maliban dito, gumawa din si Michael Bedwell, isang taong naninirahan sa San Francisco, ng isang website na nagpaparangal kay Matlovich at iba pang mga baklang beterano ng Estados Unidos. Nakasaad doon ang kasaysayan ng ban laban sa mga bakla sa militar bago at pagkatapos ng transpormasyon nito sa “Don’t Ask, Don’t Tell” at inilalarawan din doon ang papel ng mga baklang beterano sa pakikipaglaban sa ban noong maagang bahagi palang ng kilusan ng mga homosekswal sa Estados Unidos. [14]

Panitikan at Pelikula

baguhin

1. Castañeda, Laura and Susan B. Campbell. "No Longer Silent: Sgt. Leonard Matlovich and Col. Margarethe Cammermeyer." In News and Sexuality: Media Portraits of Diversity, 198-200. Sage, 2005, ISBN 1412909996.

2. Hippler, Mike. Matlovich: The Good Soldier, Alyson Publications Inc., 1989, ISBN 1-55583-129-X

3. Miller, Neil. "Leonard Matlovich: A Soldier's Story." In Out of the Past: Gay and Lesbian History from 1869 to the Present, 411- 414. Virginia: Vintage Books, 1995, ISBN 0679749888

4. Shilts, Randy. Conduct Unbecoming: Gays and Lesbians in the US Military, Diane Publishing Company, 1993, ISBN 0-78815-416-8

5. Sergeant Matlovich vs. the U.S. Air Force, made-for-television dramatization directed by Paul Leaf, written by John McGreevey. Originally aired on NBC, August 21, 1978.

References

baguhin

1. ^ a b "GAY ACTIVIST LEONARD MATLOVICH, 44, IS BURIED WITH FULL MILITARY". Chicago Tribune (Tribune Company). July 3, 1988. Retrieved September 19, 2010.

2. ^ Books.google.com

3. ^ "I Am a Homosexual" TIME Magazine (September 8, 1975)

4. ^ Steve Kornacki (2010-12-01). "The Air Force vs. the "practicing homosexual"". Salon.com. Retrieved 2010-05-30.

5. ^ Matthew S. Bajko (2010-12-01). "Friends plan plaque for gay Castro vet". Bay Area Reporter. Retrieved 2010-05-30.

6. ^ Servicemembers United. "The DADT Digital Archive Project". Servicemembers United. Retrieved 2010-05-30.

7. ^ a b Leonard Matlovich Makes Time

8. ^ Randy Shilts (1993). Conduct Unbecoming: Gays and Lesbians in the U.S. Military. Macmillan. p. 227. Retrieved 2011-05-30.

9. ^ "The Sergeant v. the Air Force" TIME Magazine (September 8, 1975).

10. ^ GLBT Historical Society. "Guide to the Leonard Matlovich Papers, 1961-1988 (Bulk 1975-1988)" (Collection No. 1988-01); retrieved 2011-10-27.

11. ^ GLBT Historical Society (2007). Out Ranks website; retrieved 2011-10-27.

12. ^ Leff, Lisa (2007-06-16). "Exhibit puts history of gay veterans on view," Army Times (Associated Press); retrieved 2011-10-27.

13. ^ Ming, Dan (2011-01-13). "Visit the nations's first queer museum," The Bay Citizen; retrieved 2011-10-27.

14. ^ "About this site," at LeonardMatlovich.com; retrieved 2011-10-30.