Ang Tatlong Musketero

(Idinirekta mula sa Les Trois Mousquetaires)

Ang Les Trois Mousquetaires (Pranses; Ingles: The Three Musketeers; tuwirang salin: Ang Tatlong Musketero) ay ang pamagat ng isang nobelang isinulat ni Alexandre Dumas, père. Isa itong kuwento ng isang lalaking nasa kaniyang kabataan na mayroong pangalang d'Artagnan. Nilisan niya ang kaniyang tahanan upang maging isang musketero (Mga Musketero ng Tanod). Siya at ang kaniyang mga kaibigang sina Athos, Porthos, at Aramis ay namuhay sa pamamagitan ng motto na "Isa para sa lahat, at lahat para sa isa" (Ingles: One for all, and all for one, Pranses: Un pour tous, et tous pour un!). Nagpatuloy ang kuwento ni d'Artagnan sa Pagkalipas ng Dalawampung mga Taon at Ang Vicomte de Bragelonne. Sa kabuoan, ang tatlong mga nobelang ito ay nakikilala bilang Mga Romansang D'Artagnan. Ang Ang Tatlong Musketero ay unang nalathala sa anyong serye sa magasing Le Siècle sa pagitan ng Marso at Hulyo 1844.

Tingnan din

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.