.

Façade na disenyo ni Alessandro Galilei ng Archbasilica ni San Juan Letran, mula sa panahaon ng Late Baroque, pagkatapos ng isang paligsahan noong 1735
Tanawin na nagpapakita ng Archbasilica at Palasyo
Basilica at Palasyo - tanawin mula sa tabi

Ang mga katagang Lateran, Laterano at Letran ay mga pangalan ukol sa isang pook sa Roma na pag-aari ng angkan ng Laterani noong panahon ng Emperyong Roma. Ang lupain ng pamilyang Laterani ay kinamkam ni Emperador Nero (nabuhay noong 37 – 68 AD / naghari mula 54 hanggang 68 AD)[1]sa paratang na ang isa sa mga Laterani, si Plautius Lateranus, ay nagtangka ng pag-aalsa laban sa pamahalaang Roma, at ito ay inilipat sa pag-iingat-yaman ng Imperyong Roma.[2]

Noong ika-apat na siglo, 312 AD, ipinaupa muna at pagkatapos ay lubusang ibinigay ni Emperador Constantine ang lupain ng Laterani sa Obispo ng Roma, batay sa dokumentong Donation of Constantine.[3][4]

Ang pinakatanyag na mga gusali ng Letran ay ang Lateran Palace, na dati ay tinawag na "Palasyo ng mga Papa", ang Archbasilica ni San Juan Letran, ang katedral ng Roma, na habang nasa Roma, at hindi sa loob ng Vatican, ay mga pag-aari ng Holy See, at ito'y may mga pribilehiyong extraterritorial sa Italya bilang resulta ng Lateran Treaty ng 1929. Bilang opisyal na eklesiastikal na upuan ng Papa, ang San Juan Letran ay may taglay ng tinatawag na cathedra ng Papa. Ang Letran ay ang pinaka-sinaunang simbahang basilica ng Kristiyanismo.

Ang mga gusali ng distritong Letran ay may mataas na kahalagaan sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, partikular ang Lateran Palace na kung saan ang Unang Konseho ng Letran noong taon ng 1123, ang Ikalawang Konseho ng Letran noong taon ng 1193, ang Ikatlong Konseho ng Letran noong taon ng 1179, ang Ikaapat na Konseho ng Letran noong taon ng 1213, at ang Ikalimang Konseho ng Lateran noong mga taon ng 1512-1517, ay mga tuwing ginanap.[5]

Ang Archbasilica ng San Juan Letran

baguhin

Ang tinatawag na archbasilica ay isang basilica na binigyan ng pinaka-mahigit na pagkilala ng Simbahang Katoliko dahil sa kahalagahan nito sa kanyang kasaysayan at paniniwala. Ang terminong "basilica" ay maaaring tumukoy sa estilo ng arkitektura ng isang simbahan o ang canonical status nito. Ang Archbasilica ng Saint John Letran sa Roma ay isang kilalang halimbawa ng archbasilica: sapagkat ito tinuturing na "ina ng lahat ng basilica" at ang pinaka-sinaunang simbahang Kristiyano sa mundo mula pa sa taon ng 324 AD. Higit pa dito, ito ang naging simbahan ng Papa. Dalawang ulit itong inalayan ng patron: noong ika-10 siglo kay San Juan Bautista, at muli noong ika-12 siglo kay San Juan Evangelista.



  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Who was Nero? | britishmuseum.org (sa wikang Ingles)
  2. The Basilica of St. John Lateran | turismoroma.it (sa wikang Ingles)
  3. "CHURCHES OF ROME: CHRISTIANITY'S FIRST CATHEDRAL". www.ewtn.com.
  4. Barnes, Arthur. "Saint John Lateran." The Catholic Encyclopedia. Vol. 9. New York: Robert Appleton Company, 1910. 16 Jul. 2014
  5. "Lateran Councils". Catholic Answers. Nakuha noong 2024-06-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)