Si Leucipo ng Mileto  – mula sa Kastilang Leucipo de Mileto  – , binabaybay ding Leucippus, Leucippos[1], Leukippus, o Leukippos, ay ang unang nakaisip ng hinggil sa mga atomo, bagaman aktuwal na natuklasan ang mga ito noong mga hindi lalagpas sa 200 mga taon na ang nakalilipas. Nakilala ng pangkasalukuyang mga tao si Leucipo dahil sa mga sulatin ng kanyang mag-aaral na si Democrito. Naniwala sina Leucipo at kanyang mga estudyante na kapag patuloy na hinati-hating paliit nang paliit ang isang bagay, mararating ang hangganan o punto na hindi na mahihiwa pa ang bagay. Tinawag nilang mga "atomo" o "hindi (na) mahihiwa (pa)" sa Griyego ang mga panghuling partikulong ito. Idinahilan pa nila na kinakailangang umiral ang mga atomo sapagkat ito ang nagpapaliwanag kung bakit magkakaiba ang mga bagay: sapagkat binubuo ang mga bagay ng iba't ibang uri ng mga atomong magkakakawing.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Leucippos, Who First Thought of Atoms?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 43.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pisika at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.